Narrate •
Biglang napadpad si Shane sa lumang building ng school. Wala na siyang pake-alam at mabilis siyang pumasok sa building. Hindi siya pumasok dahil alam niyang kung tatakbo siya at pwede siyang mahulog.
Tanging sinag lang ng araw ang nag-bibigay ilaw sa building may mga sapot pa na kung saan-saan naka-lagay. Kanina, parang walang pake ang mga studyante sa nangyayari. Pawisan si Shane, sobrang bilis rin ng tibok ng puso niya.
"Ba't ba kasi ang ganda ko?" inis na sabi niya sa sarili niya. Huminga siya ng malalim at tumigil sa pag-lalakad. Gusto na niyang umuwi at mag-kulong na lang buong araw sa kwarto niya.
"Baby?" nanlaki ang mga mata niya at agad na nag-hawak sa mga door knob ng pinto pero halos lahat ay naka-lock. Wala na siyang ibang pwedeng takasan. Tinignan niya ang taas niya may kahoy na naka-usli. Sinubukan niyang abutin, abot niya syempre.
"Sweetheart?" boses naman ni Jeyden. Dalawa pa talaga ang nag-hahabol sa kaniya. Humarap siya sa isang pinto. Nakikita na niya ang mga anino ng kambal. Malakas niyang sinipa ang pinto at tumilapon papasok sa loob, tingnan niya ang anino bumilis ang galaw nito. Tinignan niya ang naka-usling kahoy at do'n umakyat. Humiga siya do'n, bale naka-harap siya sa hallway. Nakita niya ang kambal. Pumunta agad sa kwarto.
'Psychos..."
Pinigilan niya ang hininga niya na lumabas sa bibig. Ramdam niya kung ga'no kabilis ang tibok ng puso niya.
"Where the hell is she?!" nanggagalaiti ang boses na sabi ni Jeyden. Bigla niyang sinapak ang dingding na katabi niya at nakita ni Shane ang pag-tulo ng dugo do'n.
'Oh God!'
Pinikit niya ng mariin ang mata niya. Hindi siya pwedeng atakihin ng saltik niya! Mahihirapan siya! Nanginginig ang mga labi niya, kinagat niya ng mariin. Fuck this assholes, tch.
Naka-hinga siya ng maluwag ng umalis ang dalawang lalake. Bumalik na sa ayos ang tibok ng puso niya. Dahan-dahan siyang tumapak sa lumang daanan. Rinig ang tunog ng pag-apak niya.
"Seryoso? Gano'n ba ako kaganda para magustuhan ng dalawang kambal? Sabagay, dyosa ako." tumawa siya na parang sinapian. Hindi na niya tinignan ang dugo, baka atakihin lang siya ng saltik. Dumiretso siya sa kaliwang bahagi ng daan, medyo madilim kasi hindi na nasisinagan ng araw ang lugar.
Napatigil siya sa pag-lalakad, naalala niya ang tatlong babae. Huminga siya ng malalim. Hindi naman niya ginusto ang gano'ng bagay. Tumapat siya sa lumang hallway maraming classroom ang hindi gamit sobrang tahimik. Creepy shit!
Patuloy siya sa pag-lalakad. Tinitignan niya ang bawat classroom kaliwa't kanan ang tingin niya dito. Maayos naman ang mga classroom pwede pang magamit, sadyang maarte lang ang may-ari, sabagay mayaman.
"Mayama--hmmmmppp!!!" napa-tigil siya sa pag-sasalita ng biglang may tumakip sa bibig at ilong. Nag-pumiglas siya pero parang walang epekto.
"Sweetdreams, Baby~" huling salita ni Shane bago lamunin este bago maka-tulog sa ibang klaseng amoy na pumasok sa ilong niya.
BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
Narrativa generaleWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"
![Twins Obsession [ 1 ]](https://img.wattpad.com/cover/116917801-64-k837842.jpg)