Obsession 17 --- The Rules
WARNING!
Read at your own risks.
----
"May rules rin ang school na 'to..."
Normal lang naman sa isang paaralan ang magkaroon ng patakaran. Pero nang banggitin na ni Yen ang tungkol sa patakaran ng paaralan na 'to ay nanibago ako, pakiramdam ko ay unang beses ko 'yong maririnig.
"Ano naman 'yon?"
"Una," nang magsimula siyang mag-salita ay pakiramdam ko pati ang kaluluwa ko ay tutok sa kaniyang bibig. "Huwag kang mangingialam."
Kaya ko namang gawin 'yan, 'yon nga lang ay bihira. Mahilig ako sa gulo at aminado ako ro'n, hindi ko lang alam kung ano'n pwedeng mangyari kapag nanghimasok ako sa gulo ng hindi ko gulo.
"Pangalawa, respect them."
Kanino? Sa mga teachers? Sa mga nakakataas ng posisyon dito mga...KING AND QUEEN'?
"Pucha! Ang korni talaga!
"Pangatlo---"
"Ahh!!!" Napatigil siya sa pag-sasalita ng may marinig kaming sigaw ng lalake. Lumabas agad ako ng silid at inalam kung ano---
"Oh...God...Pakshineneng!"
Naka-luhod ang lalake at may mga kadena sa mga kamay niya! Kaliwa't kanan! Hinihila na para bang gustong putulin.
"Y-Yen---"
"Hindi tayo pwedeng maki-alam...isa 'yan sa rules ng school..."
'What the hell?!'
Tumingin ulit ako sa lalake at nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Marami ang nanonood sa kaniya, pero maski isa ay walang natulong. Bakas sa mukha niya ang hirap at sakit at pakiramdam ko ay masgugustuhin na lang niyang patayin siya ng diretsuhan kaysa sa gan'to, na paunti-unti.
Kita ko ang pag-pula ng kulay puting uniporme niya, sensyales na napunit na ang balat niya sa balikat dahil do'n nagsimula ang pagpula ng uniporme niya.
"Putek!"
Hindi ko na alam ang gagawin ko at natataranta na ako, sinubukan kong sumigaw pero ay kaagad natakpan ni Yen ang bibig ko at kaagad 'yong inipit ng mahigpit pinilit kong kumawala pero ay hindi ko nagawa.
"Help him---"
Parang bumagal ang takbo ng oras at kita ko kung pa-paanong mas lumakas ang sigaw ng lalaki at naging mabagal ang pagtanggal ng kaniyang braso sa katawan niya.
Marami ang napasinghap marami ang napahiyaw at marami ang naging sigawan. Kumalat ang dugo sa pwedeng nitong paglagyan at 'wala akong nagawa kundi ang tumitig do'n na may naglalakihang mga mata.
'Anong pinasok ko?'
I maybe brutal, but this is too much!
---
sarreh late.
BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
General FictionWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"
![Twins Obsession [ 1 ]](https://img.wattpad.com/cover/116917801-64-k837842.jpg)