Obsession 57

4.6K 77 3
                                        

Breathless..

------
Shane.

Bang!


Nagising ang diwa ko sa narinig kong tunog, parang isang echo na paulit-ulit na pumapasok sa utak ko. Hinayaan ko lang na marinig ko, alam kong gising na ang diwa ko pero parang wala lang sakin.

Bang!


Narinig ko nanaman ang tunog, parang isang musika na maganda pakinggan pero galing ang tunog sa masamang bagay. Pwede kang mauto, kung papauto ka.


Bang!

Ine-enjoy ko ang tunog na parang tinataas ang kaluluwa ko, feeling ko na lutang ako na ewan. Parang napaka-sarap sa tainga ng tunog na galing kung saan.

Bang!


Pero ang tunog na parang isang musika sa tainga ko ay parang naging isang marahas, parang galing sa kung saan na hindi mo gugustuhin na marinig. Pwedeng mag-bigay kilabot ang tunog na naririnig ko.

Bang!

Bang!


Dalawa.

Dalawang magkasunod na musika ang narinig ko, parang dahan-dahang bumababa ang katawan kong kanina lang ay naka-lutang, unti-unting pakiramdam ko ay nag-sasalubong ang dalawa kong kilay.

Bang!


Bang!

Bang!


Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napabangon mula sa kung nasaan ako, ginala ko ang paningin ko at parang natameme pa ako ng malaman kong wala ako sa apartment.


"Shane!?"


Marahas na bumukas ang pinto, napatingin ako do'n. Si Paul, pawisan parang galing sa giyera na kailangan niyang tapusin at manalo dapat. Punit-punit ang damit, marumi ang mukha, tagak-tak ang pawis. Nanginginig ang mga kamay.


Taka akong napa-tingin sa hawak niyang baril, maraming tanong kaagad ang pumasok sa isip ko.

Para sa'n ang baril?

May papatayin ba siya?

Ano'ng nangyayari?

Mayro'n ba akong hindi alam?


"Shane--Ahh!" alam kong nanlaki ang mga mata ko ng may sumipa mula sa likod ni Paul, marahas at lagapak talaga ang katawan niya na tumumba mula sa tiles ng kwarto na 'to. Mula do'n ay tumambad sakin ang isang babae.


Naka-limutan ko na ang pangalan niya, pero alam kong nakalaban ko na siya sa kung sa'n.

'Wait, what?!'

Ba't parang wala akong maalala?! Shane?!

Sino si Shane?!

Kaibigan ko ba siya?!

Kapatid?!

Ate?!

Pinsan?!


Pero...


Si Paul?!


Ba't kilaka ko siya?!

Sa'n kami nag-kita?!

Kaano-ano ko siya?!

Importante ba siya sa buhay ko?!



Ano'ng mayro'n sa kaniya?! Damn!


Napa-atras ako ng upo mula sa kama ng lumapit sakin ang babae, hindi ko man siya kilala, alam kong masama ang bumabalot sa katawan niya. Parang, masama siyang tao. Kaya ka niyang ilibing ng todohan!


Naramdaman ko na lang ang likod ko na naka-dikit na sa malamig na bakal. Maaring ang headboard ng kama, lumuhod ang babae sa kama at ngising lumapit sakin, napatingin ako sa kamay niya, may baril.



Marahas niya akong hinawakan sa isa kong braso at halos mapaiyak ako sa sakit ng ginawa niya sakin. Naka-tingin lang siya sakin.

I can see the anger in her eyes, alam kong ako ang may gawa no'n, pero bakit?!

Ano'ng ginawa ko sa kaniya?!

Wala akong matandaan!

Wala akong maalala!


Damn!


"Y-Y-Youre...Arrrchh...H-Hur-Hur-Hurting...Arrrrchhkkk....M-M-Me..."


Parang isang batang paslit na sabi ko sa kaniya. Nahihirapan narin akong maka-hinga, parang nawawalan na ng hangin ang lalamunan ko at pwedeng ilang saglit pa'y mamatay ako dahil sa ginagawa niya sakin.


"Fuck you!" sigaw niya sa mismong mukha ko, "Kinuha mo lahat sakin! Kaya dapat lang na mamatay ka! Mukhang kumalat na ang tinuruk diyan sa kukote mo, ah?! Hindi mo na ba kayang lumaban?!"



Ramdam ko ang sunod-sunod na maiinit na likido ang bumababa mula sa magkabila kong pisngi, namimilipit na ang lalamunan ko dahil sa sakit ng leeg ko at hindi na ako maka-hinga. Wala akong ibang nagawa kundi ang sapakin ang tiyan niya. Agad kumawala ang hininga ko at halos parang kabayo ako na huminga.


"Bitch!"




"Ahh!" sigaw ko dahil sa sakit na naman ng leeg ko.

Twins Obsession  [ 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon