Shane.
"Woi!"
Pakiramdam ko nabuhayan ako ng loob ng maka-rinig ako ng boses.
Humarap si Jordan at syempre napa-harap rin ako. Nanlaki ang mga mata. Kilala ko ang lalake na 'to! Siya ang tinulungan ko dito sa dalawang kambal.
Parang nanigas naman siya sa kinatatayuan niya at hindi maka-galaw. Nakatayo lang siya at parang naduduwag na lumapit. Malaki rin ang mga mata niya.
Ang cute niya.
"What do you want, asshole?" rinig ko sa boses ni Jeyden ang talim ng pananalita niya. Inirapan ko siya ng tumingin siya sakin. Parang uminit ang buo kong mukha ng maramdaman ko na may pumalo ng pwet ko!
"Don't do that again, sweetheart." nagpumiglas ako, ang lakas kasi nito ni Jordan.
Nakakainis!
"B-Bitawan niyo s-siya!" garalgal ang boses ni gago!
"Ililigtas mo ba ako?! Pakatatag ka naman! Wala pa ngang ginagawa bangag kana!"
Biglang sumugod si Jeyden sa lalake at nanlaki ng todo ang mga mata ko! Isang sipa lang ang ginawa ni Jeyden sa lalake na tumama sa tiyan tumba agad!
Argh!
No choice...
Kinagat ko ng makakaya ko ang tainga ni Jordan kaya napa-hiyaw siya sa sakit. Nabitawan naman niya ako! Dali-dali akong lumapit kay Jeyden at pumasan sa kaniya sa likod. Pinatumba ko ang katawan ko kaya naka-patong siya sakin patalikod. Sakal-sakal ko siya ng mabuti sa leeg. Wala na akong pake kahit na anong bigat niya!
Bigla akong siniko ni Jeyden at kapol ang boobs ko, halos mawalan ako ng kaluluwa at syempre ng hina ng todo.
Nakawala siya!
"Damn it! S-Sweetheart I-I'm sorr--Fuck!"
Sinipa ko ang mukha niya! Dali-dali akong tumayo at nakikita ko ngayon kung pa'no sapakin ni Jordan ang katawan ng lalake ng paulit-ulit sa pisngi.
Wala akong inaksaya na oras! Kinuha ko ang bato na malapit sakin at lumapit kay Jordan! Sa likod niya!
Nang ihahampas ko na sana ang ang bato sa likod niya. May humawak ng kamay ko pagtingin ko, si Jeyden. Nadugo ang ilong niya. Masama ang tingin sakin.
Napalunok ako.
"I really--"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng iuntog ko ang ulo ko sa ulo niya dahilan para mawalan siya ng malay at bumagsak sa sahig.
Lumapit agad ako kay Jordan kahit na naikot ang paningin ko, kinuha ko ang bato at akmang ihahampas sa ulo niya pero...
Parang hindi ko kaya....
'Ano'ng nangyayari sakin!'
Imbes na sa ulo niya, sa likod ko siya hinampas! Nabitawan niya ang lalake at bumagsak rin siya.
Binitawan ko ang bato na hawak ko, tinignan ko kung nahinga pa siya.
Ok naman.
Lumapit ako sa lalake at nakita kong hingal na hingal siya.
"Ba't hindi ka pumatol?!"
Sigaw ko sa kaniya. Parang ako lang rin nakipag-laban. Tss. Pero impernes ang pogi niya kahit may mga pasa siya sa mukha.
"S-Sira k-kaba?! K-King 'y-yang d-dalawang 'y-yan." Tinulungan ko siyang maka-upo sa sahig. Tinignan ko ang kambal lumapit ako sa kanila at hinila papunta sa isang tindahan na sarado. Marahan ko silang inupo at tinignan ko ang mga mukha nila.
'
Madali lang kayong mahalin, pero ba't niyo ko kailangang pahirapan?'
Nilapit ko ang mukha ko kay Jeyden at dinampi ang labi ko, sa labi niya na mapula.
Gano'n din kay Jordan.
Bumalik ako sa lalake.
"Tara na?"
"S-Sa'n?"
"Sa Amerika, alam kong mayaman ka. Tulungan mo naman ako." Parang natigilan pa siya at hindi nakapagsalita. Napangiti ako kasi parang ang inosente niya.
"Ako nag-ligtas sa 'yo. Ako rin 'yong babae sa ospital."
"A-Ano?!" Parang nabuhayan siya bigla.
"Unli lang? Sige na ah, tulungan mo 'ko. Ibabalik ko rin sa 'yo lahat ng inutang ko."
"Huwag na!" bigla niyang sigaw. Nag-taka naman ako, pero hinayaan ko na lang.
"Okay. Ikaw ba nag-hatid sakin sa ospital?" maangas kong tanong.
"O-O-O-Oo..."
"Salamat. Tara na! Ano pala pangalan mo?"
"P-Paul....Paul Ynares"
Pinasan ko na ang isa niyang kamay sakin at nag-tulungan kami maka-alis sa lugar na pinag-guluhan namin. Parang baliktad posisyon? Ako pa natulong? Tch.
Edi ako na cute! Haha!
"By the way, ang pogi mo, Paul!"
"H-Huh?"
"Hahaha! Wala! Sabi ko pakyu ka!"
BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
Ficción GeneralWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"
![Twins Obsession [ 1 ]](https://img.wattpad.com/cover/116917801-64-k837842.jpg)