Narrate •
Hindi parin makapaniwala ang mga magulang ni Shane sa nalaman. May nagsabi na ng impormasyon sa kanila. Isa 'tong gangster at halos ang mga damit nito ay puro dugo mula sa natamong kalmot sa kaniya ni Shane.
Hindi alam ng magulang ni Shane kung anong gagawin sa kanilang anak na babae. Mas lalo pa atang lumalala ang pagiging basagulera nito.
"Garry, hindi ko na alam ang gagawin sa anak natin. Mas lalo siyang lumala..."
Patuloy ang pag-luha ng nanay ni Shane habang hawak siya ng asawa sa mga kamay.
Nakahiga at 'walang malay ang buong katawan ngayon ni Shane.
Halos kulang na lang mapatay niya lahat ng gangster sa lugar na pinuntahan niya. Sunod-sunod halos lagi na sumusugod ang mga tao kay Shane pero, sunod-sunod rin halos ang tumba ng mga 'to sa mga atakeng pinapakawalan ni Shane.
"Sssshhhh," pagpapakalma ni Garry sa asawa. "Honey, we can handle Shane."
Yakap-yakap nito ang asawa sa pag-kakasabi ng mga salita nito.
"G-Garry, hindi ko alam kung kaya ba talaga natin? Mas lalo lang siyang lumalala." napa-iyak lalo ang nanay ni Shane at napatingin kay Garry.
"Suzzethe, alam kong may magagawa tayo. Kailangan lang nating bigyan ng oras ang anak natin."
"Oras saan, Garry?! Pumatay?! Garry, hindi mo ba nahahalata? Umiiwas siya satin! Napakabastos niyang anak, pero kahit na gano'n mahal na mahal ko si Shane. Hindi ko alam kung bakit siya naging ganiyan..." mas lalong napa-iyak ang ina ni Shane. Kulang na lang tumulo sipon nito.
"Maybe because, we didn't loved her enough? We didn't fulfill to give some attention to our daughter?"
'Wow! English Pota!'
Hindi alan ng mag-asawa na gising na pala ang kanilang anak na si Shane.
Narinig niya lahat ng usapan ng mga magulang niya.
'All I wanted was to be loved by you.'
...
BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
Fiksi UmumWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"
![Twins Obsession [ 1 ]](https://img.wattpad.com/cover/116917801-64-k837842.jpg)