Hole...
--------
Pakiramdam ko isa na akong malanding babae. Matapos ang senaryo na nangyari sa rest room ng mga babae. Mabilis akong umalis do'n. Habang naalis ako do'n, iniisip ko kung bakit ko nagawa ang gano'ng bagay.
Hindi naman ako nagsisisi, ginusto ko rin naman ang nangyari, baliw ako kung itatangi ko ang nangyari sa rest room. Pero, isa lang ang nagustuhan ko sa ginawa ni Jordan, hindi niya kinuha ang bataan ko. Hindi ko rin alam kung bakit hindi niya kinuha, pero malaki ang pasasalamat ko dahil do'n. Hindi naman sa naghihinayang, ayaw ko rin naman na makuha niya ang bataan ko. Pero, bakit tumigil siya pagkatapos ko'ng maihi?
"How's school, Shane?" tanong ni Papa. Kinuha ko ang tinidor at tinusok ang isang hotdog na malapit sakin, nilagay ko sa kanin ko at nginuya.
"Ayos lang..." sabi ko, pagkatapos kong nguyain ang hotdog at kanin na sinubo ko.
"Ayos lang? 'yan lang sasabihin mo?" Ano nanaman kayang problema nito? Wala naman akong ginagawa, maayos naman na akong nagaaral ngayon na dapat na ikatuwa niya. Pero bakit nga ba ang bait ko sa school?
"Ano'ng gusto mong sabihin ko, Papa?" hindi ako natingin sa pwesto niya. Pero alam kong tumingin siya sa pwesto ko--sa kinauupuan ko.
"Ang pakikipag-basag ulo mo? Kamusta? Malago ba?" Punong-puno ng sarkasmo ang boses na lalabas sa bibig niya. Sarili kong tatay hindi ako mapag-katiwalaan? Seriously?
Sabagay hindi naman pala siya naging mabuting tatay--magulang sakin. Damay na ang nanay ko na walang ibang ginawa kundi ang lumaklak ng alak araw-araw, nakakatawa pa na napansin niya ako kung kailan andiyan na ang magaling niya asawa.
"Hindi, mabait akong anak, ba't naman ako makikipag-away? Spread love." ngising sabi ko habang naka-tingin sa plato ko na malapit ng maubos.
"Ngayon kaya mo ng sagutin ako?!" Nagulat ako sa malakas niyang pag-hampas sa lamesa. Bumalik ako sa ayos ko, dahil sa gulat ko napa-tingin pa ako sa kaniya. Umiwas ako ng tingin.
'Nakakatawa...'
"Tanong mo, sagot ko..." pakiramdam ko nawala ang function ng utak ko dahil sa tanong niya. Nag-tatanong siya, dapat aasahan niya na sasagutin ko ang tanong niya.
"Napakabas--"
"Tulog na ako," hindi ko na hinintay matapos ang sasabihin niya. Alam ko naman ang tunay kong ugali hindi naman niya kailangan na sabihin.
Nag-unat pa 'ko ng mga mga braso para naman mairita siya. Epektibo naman ang ginawa ko dahil kita ko sa leeg niya ang mga ugat at pamumula ng buo niyang mukha, kasama na ang leeg niya. Tinignan ko ang kamay niya, nanginginig ang kamay niya habang hawak ang tinidor na sobrang higpit.
Tinignan ko ang nanay ko, nakita ko siyang naka-tingin sakin habang may kung ano sa mata. Gusto niyang umiyak dahil sa hindi ko alam na dahilan. Nagbago ako? Siguro, hindi na ako ang dati niyang anak? Siguro, dahil hindi ako ang anak niya iba na? Siguro.
Maraming pumasok sa isip ko pero wala akong pake-alam. Inirapan ko lang siya at nakita ko ang pag-tulo ng isang butil ng luha. Tumalikod na ako ayaw kong makita siyang umiiyak, kahit naman na ganito ang ugali ko...hindi naman sila nawala sa puso ko, 'yon ang kinaiinisan ko sa buo kong pag-katao. Gusto ko silang kalimutan pero alam kong hindi pwede, dahil sila parin ang magulang ko.
Malakas kong sinara ang pinto ng kwarto ko, napa-sandal ako sa pinto. Nag-simulang uminit ang sulok ng bawat mata ko.
Bakit gano'n? Gusto ko lang maging masaya, pero hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakukuha ko ang lahat ng gusto ko pero, may parte sakin na kulang. Kulang sa pag-mamahal, sabik sa pag-mamahal ng isang tunay na mga magulang.
"Hindi ba...pwedeng...saya na lang?" naging tuloy-tuloy ang pag-tulo ng luha ko, hanggang sa napa-yuko na lang ako.
'Miss ko na ang tunay na ako...'
"Ang cliche naman ng buhay ko..." nasabi ko na lang habang naka-yuko st naiyak.
-------
R
BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
Ficción GeneralWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"
![Twins Obsession [ 1 ]](https://img.wattpad.com/cover/116917801-64-k837842.jpg)