Obsession 6

18.6K 305 16
                                        

Knife



Shane.



DAHAN-DAHAN akong lumabas ng kwarto ko, sinisigurado ko na hindi ako makakagawa ng kahit na ano mang ingay. Bawat hakbang ko ay maingat, pigil ang hininga. Sinisilip-silip ko ang kada pasilyo ng bahay, baka kasi'y may tao. Pero salamat sa diyos at 'wala.



'Walang tao...'



Nakababa na ako sa palapag ko at sinigurado ko na 'wala at maingat ang pagbaba ko. Binilisan ko ng konti ang paglalakad ko, binuksan ko ang pinaka-pinto ng mismong bahay at lumabas.



"Lintek na gwardiya...'



Napatigil ako at napasandal sa dingding sa madilim na kaunti na parte ng pinto.



Dalawa ang bantay sa gate, sa damuhan ako dumaan, sa gilid at do'n ay gumapang ako. Tinuloy-tuloy ko ang paggapang hanggang sa makapunta ako sa pwesto na malayo sa guwardiya. Tinalon ko lang ang bakod namin, doon ako napadpad, at umalis na.



'Success...'



Pero napairap din ako! Ba't hindi na lang ako dumaan sa likod. Hindi ko man lang 'yong naisip.



Hindi ko alam kung saan ako papunta basta naglalakad lang ako sa madilim na lugar at may ilaw galing sa buwan.



Hindi ko na alam kung ilang oras na akong naglalakad pero napadaan ako sa isang lumang gusali at may mga ilaw na natagos sa sira-sirang bato at may nagsisigawan.



"Boo!"


"Wala ka palang laban, eh!"



"Patayin na 'yan!"



Nagpantig ang tainga ko sa mga narinig ko lalo na sa huling sinabi ng mga hindi ko kilalang tao. Pumunta ako sa lumang gusali. Hindi madali ang pagpasasok dahil may taong bantay ata sa pinakaharap. Kaya ang ginawa ko ay umakyat ginamit ko ang mga butas butas na parte ng gusali para makatung-tong. Ani mo'y isa akong mountain climber.



"Nice..."



Umakyat ako sa isang bato at pinagmasdan ang lugar, puno ng maraming tao at lahat sila'y mukhang mga tarantado. Nakita ko sa may pinakagitna na may naglalaban pero halos puro dugo na 'yong isa at hindi na makagalaw. May nakatutok pa na  kutsilyo sa mukha nito galing sa isang lalake na nakaluhod sa harap nito. Bale nakatagilid ang lalake sa pwesto ko.



"Kambal ang puta!"



Oo! Kambal sila nakaluhod 'yong isa, sa kalaban tapos 'yong isa naman ay nakatayo at nakangisi habang pinapanood ang kambal niya at ang kalaban nila.



'Hindi naman ata maganda 'yan?'



"Lakas talaga ng duo..."



"Kaya nga, eh..."



"Sino kaya makakatalo sa kanila, 'no?"



So? Sila pala ang parang malakas dito? Hanggang saan kaya ang kaya nila sa'kin, kung magkakaroon ng sugpaan sa pagitan namin.



Hindi ko maiwasan na makaramdam na mabuhayan ng dugo sa katawan.



Ilan lang 'yan sa mga rinig kong komento.



*smirk*



Lumapit ako sa parang ring na ata nila rito sa hide out nila. Nagulat ako ng sasaksakin na sana ng lalakeng nakaluhod ang hawak nito sa nakahiga ngunit ay mabilis akong nakatalon at mabilis na hinila ang lalaki sa paa! Tinignan ko ang mukha ng hinila ko.



Puta! Sayang pogi pa naman!



-----

Twins Obsession  [ 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon