Obsession 32

7.6K 147 43
                                    

Shane.

"Ano ang pangalan ng grupo mo?" Halos umingay sa lugar na 'to dahil sa tanong ng emcee, bilib rin ako dito. Siguro siya ang ikalawang rango.

'Korni!'

'Hindi karin sarkastiko!'

Kasama sa nagtawanan ang gusto kong makalaban na grupo. Akala mo naman kung sinong malakas, ikatlong rango lang naman. Pag 'to talaga nakalaban ko, dudugo lahat ng pwedeng dumugo sa mga 'to! Tch.

Mga mukha naman silang mga mabugbog na sa itsura nila, hindi ako natutuwa dahil do'n, ang usapan ay ako ang wawasak sa mga mukha nila at hindi sila magkukusa.

'Hahaha Pota!'

"Dark..." malamig kong sabi, hindi ko alam pero 'yan ang unang pumasok sa isip ko. Siguro dahil sa mahilig lang ako sa kulay na itim kaya 'yan ang unang pumasok sa isip ko.

Pansin kong parang natahimik ang lugar at nakatanga lang lahat ng jejemon.

"Ehem..." para naman mapukaw ang mga kaluluwa nila. Naging okay naman matapos kong magkunwaring naubo

"S-So, Dark ang pangalan ng makakalaban ng grupongB-Broken Teddies!"


Nag-simula na ang laban pumwesto na ako sa kaliwang part ng stage/ring sila naman sa kanan. Nag-uusap sila hindi ko marinig masyadong malayo ang parte nila sakin, hindi ko nga kasi marinig!

'Yong leader nila ay babae at kulay green ang kulay ng buhok parang may binulong siya do'n sa isa niyang kasama. Ngumisi naman ang baliw ng nakakaloko, pero hindi ako naloko. Tumingin sakin ang leader at ngumisi rin na para bang kakatapos lang mabusog sa kinain na pagkain.

'Pota! Hahaha'

*Teneneneeeeeeeeenn!!!*

"Hiyaaaa!" Biglang sumugod sakin ang isang ka-grupo ng Broken Teddies, masasabi ko na mabilis siyang kumilos at bagay sa kaniya ang rango na pangatlo sa grupo nila. Tumalon ako at umupo sa balikat niya, bale naka-upo ako sa balikat niya. Hinampas ko ng siko ko ang dalawa niyang sentido at tumalon ako paalis sa pwesto niya at patalikod na bunagsak ulit sa pwesto ko.

Para siyang na-ulol na aso nangingisay siya sa sahig at parang nag-pa-piano sa hangin. Tinignan ko ang broken malalaki ang mga mata nila at 'yong dalawa naka-hawak pa sa bunganga nila.

Napa-gasp naman ang ibang tao na nanonood. Tumabingi ang ulo ko na para bang sinesenyasan sila na lumapit.

Lol.

Narrate

Bigla na lang sumugod ang dalawang miyembro ng broken kay Shane, 'yong mga nakanganga. Iwas lang ng iwas si Shane at ang masasabi niya ay mabagal kumilos ang dalawa pwede na niyang hawakan ang dalawang kamay at baluktotin. Pero hindi niya ginawa.

'Boring...'

"PWEDE BA?! LUMABAN--AHH!" Hindi na natapos at napa-hiyaw pa ang babae matapos sipain ng diretsuhan sa tiyan ni Shane. Nasa likod lang ang isang kalaban nag-pakawala 'to ng isang sipa pero binilog lang ni Shane ang braso niya at diretso pasok ang paa nang kalaban, sabay ipit dito.

'Weak ang putsdfghjkl'

Sabay hinampas niya ang tuhod nito gamit ang braso napa-hiyaw ang kalaban. Sunod sunod lang ang ginawa ni Shane sa tuhod nito. Hanggang sa halos hindi na kaya maka-tayo ng kalaban. Binitawan niya 'to at palakda ang katawan nito sa sahig ng stage o' ring.


Dalawang jeje na lang ang natitira, gustong ma-challenge ni Shane sa leader. Hindi pa siya hinihingal dahil halos puro walang kwenta ang kalaban niya na tatlo. Masyadong easy.

'Ay! Hambog!'

Biglang sumugod ang leader at ang nasa-kaliwa nung leader. Hindi inaasahan ni Shane ang dalawa kaya nasapak siya sa pisngi dahilan para ikatalsik ng katawan niya.

'Ang sakit! Huhuhuhu!'

"Tss. You're weak stupid froglettow," ngising sabi ng leader ng broken habang pinapanood kung pa'no tumayo dahan dahan ang katawan ng bida natin.

'Nadis-lokeyt ata panga ko! King ina!'

Tumayo si Shane habang inda ang panga na masakit parin at pisngi. Tumayo siya na parang walang nangyari pero sa loob niya halos matanggal na lahat ng ngipin niya sa lakas ng sapak, na halos ikina-lipad niya.

Biglang sumugod ang kasama ng leader na broken at sinipa si Shane, pero naiwasan niya agad ang sipa. Mabilis ang atake na 'yon buti na lang naiwasan niya agad, kung hindi baka lumipad nanaman ang katawan niya.

Sumugod ulit ang kasama nung leader, 'yong leader naka-ngisi lang habang nanunood ng laban. Malaki ang tiwala ng leader sa kanang kamay na miyembro dahil halos lagi 'tong pinag-te-train sa pag-laban. Alam niyang matatalo agad ang dark na sinasabi.

'King ina nitong...pisteng 'to'

Mabilis lagi ang galaw ng kalaban kaya naman puro iwas lang si Shane sa atake, hindi muna siya naganti. Kinakabisa pa nito ang galaw para sa perpekto na pag-la-ga-pak ng katawan nito sa stage o' ring.


"Ano? Hindi mo na ba ako kaya? Natatakot ka na ba?" ngising sabi ng kalaban sabay sipa sa paa-nan nito pero naka-iwas agad si Shane sa atake. Nag-tumbling siya patalikod. Ngumisi rin.

"Natatakot? Oo, ang pangit mo kaya. Duhhh..." biglang nag-init ang ulo ng kalaban. Epektib ang pang-aasar niya rito. Ang ikli ng pasensya ng babae'ng 'to.


"You Bitch!" Gigil na sigaw ng kalaban, ngumisi lang si Shane at hinintay ang atake ng kalaban. Nag-pakawala 'to ng sunod-sunod na suntok. Kabisa na ni Shane ang atake kaya sinipa niya 'to sa tiyan na hindi inaasahan ng babae at talsik ang katawan sabay lagapak sa stage habang may dugong lumalabas sa bibig nito.

Lumapit si Shane sa kalaban. Nginitian niya 'to, ramdam niyang may paparating na atake kaya tinalon niya ang pwesto papunta sa unahan ng sinipa, kaya nahampas ng leader ang likod ng kakampi dahilan para mawalan 'to ng malay.

"Let's who has the last laugh."

----

may twitter kayo?

ps: i ain't a girl lels.

Twins Obsession  [ 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon