[Chapter 60 ay Epilogue]
Blood Lust...
------
Narrate•
Kitang-kita ni Paul kung paano nag-iba ang kulay ng mga mata ni Shane, parang slow - motion lahat ng bagay. Ang sakit sa katawan niya ay parang namanhid at hindi na maka-ramdam.
Paul •
Parang naging mabagal ang oras ng tignan ko ang babae na sumusipa sa sikmura ko, may ngisi sa labi niya. Parang inaantok na ako at gusto ko na lang ay ang matulog ng buong araw. Isang sipa pa ang natanggap ko sa sikmura at nasundan sa dibdib ko, dahil sa ginawa ng babae ay nauntog ang ulo ko sa sahig at napa-higa na ako ng tuluyan.
"La...La...Ban...Ka...Pa...Ba...?" ang pag-sasalita niya ay naging mabagal rin, naikot na ang paningin ko. Ang nakikita ko ay siya at ang mga armadong lalake na nakapalibot sakin.
Parang may zoom ang mga mata ko at kung saan ako tumingin ay tutok lang do'n ang mga mata ko, nalalasahan ko narin anh dugo ko. Lasang kalawang mahirap masikmura ang dugo na nasa bunganga ko. Tinignan ko ang damit ko, punit-punit na may bahid ng dugo.
Ginala ko pa ang paningin ko at nakita ko si Shane bitbit na ng kambal, napa-ngito ako ng mapakla. Ni hindi ko manlang siya naligtas! Walang kwenta ang plano ko! Kahit sa apartment ko ay nahuli parin siya! Naka-habol nga ako dito pero wala namang kwenta! Kahit sa huli talunan talaga! Psh!
Pero, para yatang nag-iba ang ihip ng hangin, parang ang masakit ko na katawan ay namanhid, ang pagod ko ay hindi ko maramdaman. Parang nanigas ang katawan ko, naka-tingin lang si Shane sa dugo na nasa katawan ko! Kita ko ang pag-iba ng mga mata niya, galing sa itim naging pula! Halos buong mata niya! Para siyang aswang!
Napa-atras ako ng sikuhin lang niya ang batok ng King na si Jeyden! Nabitawan siya kaagad! Kita ko kay Jordan na aatake siya pero umiwas lang si Shane at sinipa ang sikmura niya at talsik ang katawan niya! Nilapitan niya si Jordan at walang awang hinawakan ang ulo nito at tinuhod!
"Oh my God!" rinig ko ang singhap ng babae na nasa harap ko, hindi ko na lang pinansin dahil natuon ang pansin ko kay Shane. Kung hindi ako nag-kakamali ay isang sakit ang mayro'n siya sa mga mata niya!
Blood Distracted Disorder, o bloodlust.
Kung hindi ako nag-kakamali ay ang pamilya lang ng mga Dewes ang may gano'ng klase ng sakit, sikat sila sa gano'n, pero, nawawala ang heirs ng mga Dewes.
Napocus ulit ang paningin ko kay Shane, may posibilidad na siya ang heirs ng mga Dewes, sa bansang England nando'n ang pamilya na gano'n. Nanlaki ang mga mata ko, kung gano'n nga pwedeng-pwede si Shane na ang nawawalang heirs! Tch! Delikado pala talaga ang babae na 'to kung gano'n?!
Napasinghap ang lahat ng walang awang sinipa ni Shane ang isang armado at walang abas na tumalsik sa ding-ding buti hindi siya sa bintana lumipad, mahirap na!
Kung hindi rin ako nag-kakamali, kaya hindi nalaban ang mga armadong lalake ay dahil ayaw ng kambal na masaktan si Shane? Wow! Obsessed talaga. Haha!
Kinuha ni Shane ang isang baril, sinuri-suri niya 'yon at dinilaan pa ang ulo kung saan nalabas ang bala! Tang ina! Nanlaki talaga mga mata ko sa ginawa niya! Para na siyang demonyo, at kahit ano'ng oras---
"KKKYYYAAAHHH!!!"
"SHIT! SHIT! SHIT!"
Maraming natamaas ng bala at marami rin ang naka-iwas at naka-tago sa ginawang pag-baril ni Shane! Buti na lang naka-siksik ako dito kasama ang babae'ng nag-api sakin. Tch!
"N-Natatakot ako..." bakas sa tono niya ang takot, nanginginig rin ang mga kamay niya habang naka-hawak sa tuhod niya. Tumingin siya sakin, inirapan ko siya. Kapal ng mukha!
"S-Sorry, ah? U-Utos lang ng kambal 'to sakin."
"Ba't m-mo p-pa g-ginawa?!" parang disyerto ang bunganga ko, nalasahan ko ang sarili kong dugo at nandidiri ako!
"T-Tinakot a-ako...p-papatayin daw nila p-parents k-ko." parang may humaplos sa puso ko, parang naaawa ako sa kaniya. Ayaw niya ng gan'to parang napilitan lang siya.
"P-Pa'no n-na 'y-yan?! N-Naging H-Hulk n-na s-si Shane...?" parehas kaming napa-tawa pero natigil agad ng sunod-sunod na sigaw ang narinig namin ulit.
Agad ko siyang sinenyasan na mag-tago sa ilalim ng kama, nauna siyang pumasok at sumunod ako.
Maraming tunog ng bala pa ang narinig namin. Mga tunog ng putok ng baril, mga hiyaw ng mga tao at kung ano-ano pa.
Pero hinayaan lang ng babaeng kasama ko ang marinig namin.
"A-Ano'ng p-pangalan mo?"
"Lila..."
--------
BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
Aktuelle LiteraturWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"
![Twins Obsession [ 1 ]](https://img.wattpad.com/cover/116917801-64-k837842.jpg)