Special Chapter.
Twins Obsession.
Year 2523.
"North!"
Isang malakas na sampal ang ginawad ng isang babae sa batang lalake.
Sa lakas ng sampal nito ay napatumba ang bata sa sahig habang nakahawak sa kaniyang pisngi.
"Hindi ka pwedeng maglaro!" Matigas nitong sabi at kaagad na nilabas ang isang manipis na kahoy.
"M-Ma...-"
Bago pa man matapos ng bata ang sasabihin ay kaagad na siyang sinampal ng manipis na kahoy sa mukha.
Ginawa iyon sa magkabilang pisngi niya dahilan para mapaluha siya ng hindi nakakagawa ng ingay.
"Bukas ka lang maaaring uminom ng tubig!" Malakas na sigaw nito sa bata at napatango naman ito ng dalawang beses.
"Kung pinasok tayo ng mga baliw ay maaari kaming mamatay lahat nang dahil sa kapabayaan mo!" Galaiti nitong sigaw at tumayo ng tuwid at tunalikod sa bata na nasa sahig at luhaan. "¡Ve al entonces!"
Kaagad namang sumunod ang bata sa utos ng ina na pumunta sa den. Labag man sa loob niya ang sumunod ay ginawa pa rin niya dahil 'wala siyang magagawa kundi ang sumunod lamang.
Nang tuluyan na siyang makapasok ay sinalubong siya ng kaniyang ama na malamig ang mga matang tumingin sa kaniya.
"¿Qué pasó?" Tanong nang ama kung ano ang nangyari dahil bakas ang manipis na kahoy sa magkabilang pisngi nito, at ang kaliwa naman ay mayroong dugo.
"Nada, Papa." Pagsisinungaling nito na 'wala. Lumapit ang ama at napayuko naman ang bata.
"Naglaro ka na naman ba?" Tanong ng ama at pumantay sa anak nito. Kaagad namang naiiwas ng bata ang mukha at nangilid agad ang luha.
"Ye, Papa." Napabuntong hininga ang ama sa narinig. "Hindi ko ho kasi maintindihan kung bakit kailangan kong gawin ang mga 'to. Marami naman hong bantay sa bahay, pero kapag naglalaro ako ay lagi akong napapagalitan." Batang sumbong nito sa ama. Kaagad nilagay ng ama ang kaliwang kamay nito sa braso ng bata.
"Norte," simula ng ama. "Ikaw ang champion ng pamilya natin." Napatingin ang bata ng diretso sa ama.
"Alam ko ho 'yon. Ilang beses niyo na pong sinabi sa'kin 'yan nang paulit-ulit. Pero hindi ko pa rin maintindihan!"
Napatitig ng malalim ang ama sa anak at nanlaban nang titigan ang anak nito sa kaniya. Ang kaninang 'walang buhay na mata ng ama ay nagkaroon ng buhay at kaagad napapikit at napatitig muli sa anak.
"Sa panahon natin na 'to, talamak ang agawan ng kapangyarihan, Norte." Napakunot noo ang bata at napatingin sa mga paa niya na marumi dahil sa paglalaro. "Kung nasa baba ka ay buong buhay mong ibibigay ang sarili mo sa nakakataas sa 'yo. Kapag nasa taas ka naman ay buong buhay kang mamumuhay ng 'walang hirap."
Patuloy ng ama.
"Kung gaano kadali mamuhay ng madali, gano'n naman kahirap iyon panatilihin kaya kailangan mong magsikap ng mabuti, Norte. Pero iba na sa panahon natin na 'yon, para manatili ka sa posisyon mo ay kailangan mong ipaglaban iyon." Lumambot ang mukha ng bata dahil hindi na niya masiyadong maintindihan ang ama. "Ikaw ang panganay ko at ikaw ang magpapanatili sa posisyon ng buhay na 'to!"
BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
Ficción GeneralWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"