Obsession 39

6.2K 120 68
                                        

Narrate •

Agad na iniwasan ni Shane ang mga nag-liparang shurikins sa kaniya. Sinipa niya ang isa at bumalik sa pinang-galingan nito.

'Gandang bungad. Tch'

May lumapit sa kaniya na tatlong lalake. Agad nagpa-kawala ng suntok na sunod-sunod ang lalake na nasa gitna. Tumambling patalikod si Shane para iwasan.

Napa-gasp naman ang mga nanonood. Hindi nila akalain na kaya ng isang babae na makipag-iwasan ng atake sa Quadra.

Lumapit ang nasa gitna na lalake at sinipa si Shane sa paa pero pinigilan lang ni Shane ang atake gamit ang pag-sipa rin dito.

Binagsak niya ang kulay itim na bag niya para mas maayos makipag-laban sa lalakeng may mohawk na buhok na kulay pula.

'Bagay sila nung babaeng Queen na may red-hair. Tch'

"Nag-kamali ka ng kinalaban,Babae." ngumisi lang si Shane sabay suntok sa tiyan nito pero naka-iwas ang lalake. Hinawakan ang braso niya at inikot. Inikot niya rin katawan niya para hindi siya masaktan.

Sinipa niya sa paa ang lalake dahilan para matumba 'to. Habol ni Shane ang hininga at tumayo ng tuwid medyo sabog na ang buhok niya. Ramdam niyang may kung anong tatama sa likod niya, mabilis siya umiwas at sinipa ang likod nito.

Umatras si Shane dahil parang walang epekto ang sipa niya parang sa kaniya pa napunta ang epekto ng sipa niya.

Kulay pula rin ang buhok nito, mahaba puro lalake ang Quadra. Habol parin niya ang hininga. Masyado siyang na-atake ng ubusan dapat sakto lang.

"Ayaw ko ng gulo...kung gusto ng reyna niyo na ipag-higanti ang sarili niya, siya ang lumaban. Isa siyang duwag sa ginagawa niya." tumahimik ang buong lugar dahil sa sinabi ni Shane. Yumuko siya at ngumisi.

"So? Gusto mo ng round-two?" nag-angat siya ng tingin. Tumambad sa harap niya ang reyna na si Lila. Tch.

"Gusto mo--" hindi na natapos ni Shane ang sasabihin ng biglang sumugod ang Queen sa kaniya. Umiwas siya sa dagger nito na hinagis sa kaniya.

'Bilis kumilos'

Ngumisi ang Queen at umatake kay Shane. Puro iwas si Shane, kinakabisado pa niya ang bawat atake ng reyna na 'to.

Biglang sumipa ang reyna papunta sa mukha ni Shane umikot pa 'to na parang nabwelo. Pero sinipa lang ni Shane ang gitna ng hita nito dahilan para matumba ang katawan nito sa lupa.

Yumuko si Shane at medyo umupo sa sahig at inikot-ikot ang paa dahilan ng pag-karoon ng maka-pal na alikabok. Dali-Dali siyang pumunta sa restroom pumasok sa isang cubicle at ni-lock.

Shane's Pov:

"Puta! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Tch. Mag-kakaroon pa siguro ako ng kaaway dito..." sabi ko sa sarili ko habang hawak ang tapat ng puso ko.

"Teka...'yong bag ko?! King ina!"

Kainis naman. Sinara ko ang takip ng bowl ng cr at umupo do'n.

*sigh*

"Ano na gagawin ko?" takang tanong ko sa sarili ko. "Ikaw kasi, Shane! Patol-patol kapa, hindi mo muna inisip ang pwedeng kapalit!" sabi ko sa sarili ko.

"Alangan naman na salohin ng dede ko 'yong shurikens. Nababaliw na ako"

Nataranta ako ng biglang nag-karoon ng liwanag galing 'yon sa pinto! Pinatong ko ang paa ko sa bowl at medyo tumayo.

'Naka-sqwat. Tch'

Biglang nawala ang liwanag. Rinig ko ang pag-lock ng pinto. Hinanda ko na ang sipa ko kung sakaling buksan 'tong pinto.

"Shane?" Jordan?

Bumaba ako sa bowl at binuksan ang pinto sabay labas. Nakita ko naman si Jordan na naka-sandal sa sink ng lababo. Nakita ko ang bag ko at mabilis kong kinuha sabay yakap sakin.

'Ganda kaya nito~'

Tinignan ko si Jordan. Mag-papasalamat sana ako pero nangunot ang noo ko ng makita ko siyang naka-ngisi.

"Baliw ka?"

"You have to thank me, for giving back your bag" ngisi parin.

"Gagawin ko sana, naka-ngisi ka kasi..." malumanay kong sabi sa kaniya. Nilagay niya ang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya at ang isa naman ay tinungkod niya sa lababo.

"Instead of words...this..." naramdaman ko na lang ang isang mainit na labi na dumikit sa labi ko.

------
Nxt chapter "PRIVATE"

Twins Obsession  [ 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon