Shane.MABILIS ang bawat hakbang ko habang tinitignan kung naka-sunod pa sila.
Madilim ang iskinita na pinag-takbuhan ko para lang maiwasan ko ang mga kademonyohan nila na pinagsasabi sakin.
Mabilis ang paghinga ko at halos marinig ko ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Ayaw ko ng lumapit sa kanila.
"Where the hell is, she?!" Bumilis lalo ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang sinabi ng isa sa kanila. Halos manakit na ang paa ko dahil sa mga sugat ko. Kahit na hindi ko makita ang daan lakad parin ako ng lakad o' mas madaling sabihin na tumatakbo ako.
Natumba ako sa lakas ng impact ng tumama ako sa matigas na bagay, agad bumilis ang tibok ng puso ko dahil amoy na amoy ko ang pabango ng isang lalake.
'God! Help me!'
"I found her!" Malakas na sigaw niya. Halos manayo lahat ng balahibo ko sa katawan ng gumalaw siya at medyo nag-karoon ng ilaw at nasinagan siya.
"P-Please l-let m-me go!" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas, basta ang alam ko hinang-hina na ako.
"No!" Malakas niyang sigaw na pakiramdam ko nawalan ng kulay ang mukha ko. Nakikita ko sa mga mata niya na galit na galit siya!
Bigla siyang lumapit at kinarga ako na parang sako at napatili ako!
"Let me go!!!!!!!"
Sinubukan kong kumawala pero hindi ko na halos makaya! Ang sakit na ng katawan ko!
BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
Ficción GeneralWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"