"CLASS Dismissed."
Tumayo agad ako at niligpit lahat ng gamit ko sa ibabaw ng mesa at kaagad 'yong pinasok sa bag ko.
"Shane." Tawag pansin sakin ni Yen. Pero hindi ako tumingin sa kaniya inaayos ko lang ang mga gamit ko. Kakatapos lang ng ika-tatlong subject. History.
"Yes?" Tinignan ko siya. Nakita kong naka-yuko lang siya at naka-upo parin sa upuan niya. Hindi manlang inayos ang gamit dahil ay break time na.
"H-Hindi k-kasi...uhmm hindi ako mag-be-break time..." Mahinang sabi niya pero sapat na 'yon para marinig ko.
Kaagad nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit naman?"
"B-Baka k-kasi... m-mapahiya ka dahil s-sakin." Napangisi lang ako at buong lakas ko siyang hinila palabas ng room, wala akong pake sa sinabi niya.
Besides, ano'ng nakakahiya kung kasama ko siya?
"S-Shane!"
"Nagugutom na ako, Chubs hahaha!" Napasimangot siya sa sinabi ko. Tinignan ko kasi kung ano'ng magiging reaksiyon niya kapag tinawag ko siyang 'chubs'.
Napailing na lang ako at pinag-patuloy ang pag-hila sa kaniya papunta sa canteen.
Naisip ko kanina na... bakit ba ako natatakot o matatakot sa mga King's and Queen's? Eh, puro's Jejemon naman sila?
'Pasabugin ko pa mukha nila ng sabay-sabay, eh! Tsk.'
"Ako na bibili ng pagkain, ikaw na sa table." Hindi ko na siya hinintay mag-salita agad ko na siyang iniwan at pumunta na ako sa pila para um-order ng pagkain.
Matapos kong maka-bili hinanap agad ng mga mata ko ang pwesto namin ni Yen. Nakita ko siya sa bandang dulo, wala masyadong naka-upo do'n.
"Ba't dito ka pumili ng upuan natin?" Tanong ko sa kaniya. Ang layo na halos ng pwesto na 'to at 'wala talaga halos nakain sa parteng 'to.
Kaagad naman siyang yumuko at nagtaka ako.
"Hindi mo ba napansin? Pinagtinginan tayo ng tao kasi magkasama tayo." Mahinang sabi niya.
May dumaan sa gilid namin at napatingin ako ro'n, at napatingin din 'yon sa'kin at tinignan ako ng sobrang sama.
'What the hell?'
![](https://img.wattpad.com/cover/116917801-288-k837842.jpg)
BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
General FictionWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"