Prologue
MABILIS ang bawat hakbang ko habang tinitignan kung nakasunod pa sila.
Madilim ang iskinita na pinag-takbuhan ko para lang maiwasan ko ang mga kade-monyohan nila na pinagsasabi sakin at pinag-gaga-gawa!
Mabilis ang paghinga ko at halos marinig ko ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba!
Ayaw ko ng lumapit sa kanila! Maski isa sa kanila!
"Where the hell is she?!"
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses ng isa sa kanila. Masakit na ang paa ko dahil sa kanina pang pagtakbo-takbo. Nakadagdag pa rito ang mga sugat na natamo ko.
Nanghihina na ako dahil sa kanina pang pag-takbo. Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong natakbo basta ang gusto ko na lang ay makawala sa kanila at makamtan ang kalayaan ko!
Natumba ako! Sa lakas ng impact kasabay pa nito ang pagtama ko sa matigas na bagay, agad bumilis ang tibok ng puso ko dahil amoy na amoy ko ang pabango ng isa sa kanila! Hudyat na ang isa sa kanila ay malapit lang sa pwesto ko!
'Oh God!'
"I found her!" Malakas na sigaw nang isa sa kanila. Halos manayo lahat ng balahibo ko sa katawan ng masilayan ko ang kalahati ng mukha niya ng tumama ang sinag ng ilaw do'n na nag-mumula sa kalapit na bahay.
"P-Please l-let m-me go!" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas, basta ang alam ko hinang-hina na ako na maski ang pananalita ko ay nahihirapan na.
"No!" Matigas niyang sabi sa'kin at pakiramdam ko ay nawalan ako kulay sa mukha.
Makikita sa mga mata niya ang galit!
At ang pagnanasa.
Bigla siyang lumapit at kinarga ako na parang sako at napatili ako! Sa sobrang hina ko ay nagawa niya 'yon ng 'walang kahirap-hirap.
"Let me go!!!"
---

BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
General FictionWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"