Fork
Shane •
"Shane..."
"Hmmm?" Tugon ko habang nakain, hindi ko nagawa man lang na lingunin ang tatay ko.
Simula kanina bago kumain, ay hindi niya 'ko kinausap mula sa kabataan ko, o maski ano man ang naging mga pangyayari sa buhay ko. Maganda narin 'yon para sa'kin dahil ayaw ko siya makausap.
"Dito mo na ipagpapatuloy ang pag-aaral mo." Sabi niya.
'Wala naman akong magagawa, kayo naman ang nagpapatakbo ng buhay ko.
"'Ge..."
"Shane... 'yong pakikipag-basag ulo mo, bawasan mo pwede ba?" Pakiramdam ko'y may naputol na litid sa sintido ko, matapos marinig ang sinabi niya. Napapikit ako at diretso na tumingin sa kaniya pagdilat.
Gusto ko siyang tanungin kung papaano niyang nalaman 'yon, kakaiba ang ugali ko, sa totoo lang. Mahilig ako makipag-basagan ng ulo. Pero mas pinili ko na lang na manahimik, dahil halata at alam ko naman na kung sino ang nagsabi.
Sobrang halata hindi ko kailangan magtanong.
"Bakit?" Binitawan ko ang kutsara't tinidor ko, naglikha 'yon ng ingay sa hapag. Ang kaninang pagtangka kong manahimik ay naudlot, hindi ko maiwasan na isipin iyon. Dahil kahit na masama ang gawain ko ay iba pa rin ang pakiramdam na mayroong paki sa'yo ang taong mahal mo.
"Maayos ang mga studyante na papasukan mo kaya kung maaari ay... maging maayos ka rin, kagaya nila."
Kumain ulit ako matapos marinig ang sinabi niya.
'Walang kwenta 'yong mga sinasabi niya. At, mayroon na siyang lugar para sa pagaaral ko?
"Shane---"
"Alam niyo ang ugali ko sa pakikipag-basag ulo? Pero ang dahilan do'n ay hindi?" Mariin kong tanong. Kung pwede ko lamang hatiin sa gitna ang lamesa sa hapag na 'to na gawa sa babasagin na salamin ay ginawa ko na. Kita ko ang repleksiyon ng mukha ko dahil nakatutok lang ang tingin ko sa sarili ko ng bahagya. "Mahilig ako sa gulo, lalo na kung may imbitasyon ako."
"Shane--" Pinutol ko ang sasabihin niya at tumitig ng mariin at malalim sa tatay ko.
"Kung babatuhin nila ako ng bato, ang ibabato ko pabalik sa kanila ay granada." Mariin kong sabi habang diretsong nakatingin sa kaniya.
"Matutulog na ako, pagod ako..." Tumayo na ako. 'Wala na akong balak na pakinggan ang sasabihin niya. Tinawag pa niya ako pero 'wala na akong pakialam. Kung palayasin man ako ay, sige lang.
Besides, nabuhay naman akong 'walang magulang.
------

BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
Ficción GeneralWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"