Obsession 43

5.3K 107 17
                                        

Dark...

---------

Natapos ang tatlong sunod-sunod na klase, okay lang naman lahat ng professor ko wala namang pinagbago, pero pansin ko lang hindi sila nagta-tanong kung bakit absent ang isang studyante pero hinayaan ko na lang.

"Shane, hindi ako mag-be-break time..." hindi na ako nag-salita, lumabas na agad ako ng class room. Pagod na pagod ako ngayong araw na 'to hindi ko alam kung bakit wala naman akong ginawa. Bitbit ko ang bag ko papunta ako ngayon sa canteen, hindi ko alam kung kakain ba ako o' hindi.

Umorder ako ng makakain, isang order ng kanina at ulam na adobo at isang coke para sa inumin. Nag-hanap ako ng table sa pinaka-dulo sa siksik na lugar medyo madilim do'n ko napili na maupo. Nilapag ko ang tray ko at itinabi ang bag ko sa katabi kong upuan. Sinimulan ko ng kumain.

Maingay sa canteen, maraming nag-uusap, may mga simpleng studyante lang pero may  na hindi mahahalata mo na isang gangster. Malapit na ako matapos ng may umupo sa tapat ko, nag-angat ako ng tingin isang lalake na may ngisi sa labi. Tinignan ko lang siya, winala ko lahat ng reaction ko sa mga mata ko.

"Pwedeng maupo?"

"Stupid."

Pinag-cross ko ang mga kamay ko sa dibdib ko at tinignan siya, nag-simula na siyang kumain. Masasabi ko na maitsura ang lalake'ng 'to. Perpekto ang panga niya, mapula ang labi, makapal ang kilay na magugustuhan ng isang babae at kulay itim na mga mata, hindi maitim ang lalake hindi rin naman maputi sakto lang ang kulay niya. Napa-iwas ako ng tingin.

Pag-iwas ko nakita ko si Jeyden at Jordan na masama ang tingin sa lalakeng nasa tapat ko, hindi naman sa pilingera pero baka iba lang ang tinitignan nila.  Tinignan ko ang lalake, tuloy lang ang kain niya. Tinignan ko sila, nag-tama ang mga mata namin ni Jeyden na masama ang tingin sakin.

"Ano'ng pangalan mo, Miss?" napa-tingin ako sa lalake. Nakain parin siya, hindi ko masasabi na masama siya o' kabilang siya sa mga frat pero hindi dapat ako paka-siguro.

"Why?" english.

"Wala lang..."

"Shane..."

"Nice... name..." hindi ko na siya sinagot sa tanong niya, dapat ngayon iniwan ko na 'tong lalake na 'to, pero parang may nag-sasabi sakin na 'wag ko gawin.

*sigh*

Kinuha ko ang tray na kinakainan niya at hinagis sa gilid namin, nag-likha naman 'yon ng ingay, maraming napa-tingin sa pwesto namin. Tumayo ako sa pwesto ko at hinila ang lalake. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na tumayo si Jeyden at Jordan. Binilisan kong hilain ang lalake.

Ano'ng nangyayari sakin?!

---

Twins Obsession  [ 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon