Dark...
------
Narrate •
"Kumusta kana, Shane?"
"Pake mo?" walang galang na sagot ni Shane sa tanong ni Yen. Natigilan naman si Yen at parang napahiya kaya nanahimik na lang siya. Napa-salampak naman ng upo si Shane. Tinignan niya ang room niya, gaya parin ng dati walang pinag-bago simple lang. Buti na nga lang walang bungad na sumalubong sa kaniya sa gate kanina, mas gusto pa niya 'yon ngayon, dahil wala siyang magawa.
"Walang thrill..." nasabi niya sa sarili niya habang naka-tingin na bored sa kawalan. Takang napa-tingin sa kaniya si Yen. Anong thrill? Tanong niya sa sarili niya pero hindi na niya pinansin ang sinabi ni Shane.
Pumasok na ang unang prof. nila ngayon at nag-ayos naman lahat ng studyante dahil may test sila ngayon.
Science~
"Lesson for today~ Phobias. Kinds of Phobia..." lahat ng studyante tahimik lang at walang ginagawa, alam naman nila ang phobia pero hindi nila alam ang tawag.
"Graded Recitation~" marami sana ang mag-po-protesta pero natahimik sila ng mag-taas ng kilay ang prof.
"Fear of blood?" tahimik lahat. May mga gustong sumagot pero natatakot sila na baka mali ang sagot nila, ayaw nilang mapa-hiya. "Anyone?"
"Hemophobia..." maraming studyante ang nag-protesta sa isip nila.
"Sabi na nga eh!"
"Sayang!"
"Ano ba'yan!"
Manghang napa-tingin ang prof. kay Shane. Dapat lahat ng studyante alam ang sagot dahil madali lang naman ang tanong pero gusto ng guro ng balik-aral.
"Fear of technology?"
"Cyberphobia ma'am?" may nag-sagot na isang lalake sa tanong ng prof.
"Wrong, Fear of Computers ang sagot mo..."
"Technophobia..." sagot nanaman ni Shane, pero hindi siya naka-tingin sa guro. Ayaw niyang sumagot pero alam niyang magiging paulit-ulit lang ang sasabihin ng guro at kung hindi uulitin da-dag-dagan naman ng pangaral, nakaka-sawa ang gano'n. Halos araw-araw naman may pangaral. Kung pwede lang ipalunok ang letra nagawa na ni Shane sa dati niyang guro.
"Fear of gaining weight? Maganda 'tong tanong na 'to, especially sa girls." ngiting wika ng prof. marami naman ang napa-ngiti.
"Zoophobia, ma'am maganda kay Yen" maraming natawa sa sinabi ng isang lalake. Napa-yuko naman si Yen dahil sa hiya na nakuha. Wala naman siyang ginagawa pero naka-agaw siya at napansin siya ng isa niyang ka-klase.
"Shut up!"
Natahimik ang klase. "Obesophobia..." basag ni Shane sa katahimikan. Mangha nanaman ang guro kay Shane.
"Alam kong alam niyo ang sagot, pero nahihiya lang kayo. Change Topic..."
----
Spell 'Lame?'
BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
Narrativa generaleWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"
![Twins Obsession [ 1 ]](https://img.wattpad.com/cover/116917801-64-k837842.jpg)