Shane•
Nagising ako, na medyo malabo ang paningin ko. Parang blurred 'yong nakikita ko. Actually blurred talaga. Pinikit ko ulit mata ko at dahan-dahan binuksan, malabo parin. Sinara ko ulit mata ko at medyo malinaw na, ginala ko ang paningin ko. Puro puti lang ang nakikita ko, tinignan ko kung ano'ng meron sakin. Sa mga pulso ko may naka-turok.
Nanlaki ang mga mata ko at napa-upo sa kama, napa-kagat labi ako sa sakit ng katawan ko. Kinalma ko muna 'yong katawan ko. Nakaputi ako na damit at nainis ako. Ang pangit sakin. Ang masasabi ko sa kwarto na 'to ay malaki at maaliwalas, sa gilid ko may basket na may mga prutas. Tinanggal ko lahat ng naka-turok sakin at umalis sa kama. Parang nanghina ako bigla sa tindi ng sakit ng katawan ko.
"Argh!" napahawak ako kaagad sa kama, ang sakit ng gitna ko at buong katawan. Dinahan-dahan ko ang paglalakad. Medyo masakit parin ang katawan ko pero kaya ko naman maglakad. Lumapit ako sa pinto at agad na ni-lock ng maigi. Kahit na nanghihina, hinarangan ko ng sofa ang pinto.
Mayro'n kasi.
Hinigpitan ko ang kapit ng damit ko sa katawan ko. Tumayo ako ng maayos, ng tuwid. Kailangan ko makaalis dito ng maaga kundi malalagot na!
Lumapit ako sa bintana, hinawi ko ang kurtina, binuksan ang glass window at natulala ako sa taas. Siguro nasa ikaanim na palapag ako. Tinignan ko ang paligid wala akong maayos na babagsakan, pero may mga lupa naman kada baba ng bintana.
Lumabas ako ng bintana at tinapak ang mga paa ko sa semento, biglang humangin at parang plastik na tinangay ako pero syempre, naka-hawaka ako sa bintana agad.
Umupo ako sa semento ng bintana at hinanda ang pag-talon ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako tumalon.
"Shane!"
Nanlaki ang mga mata ko at napa-tingin sa likod ko, ang king inang dalawang kambal! Nataranta kaagad ako, ang masakit kong katawan parang biglang nabuhayan at dali-dali akong bumaba. Kada semento na bababaan ko gano'n lang din ang gagawin nila.
"You can run all day, but you can't escape us!" rinig ko ang sigaw ni Jeyden, pero hindi ko siya pinansin tinuloy ko lang ang pag-baba. Tatlo na lang, makakababa na ako.
"Where the hell do you think you're going?!" Agad akong nag-pakawala ng suntok papunta sa mukha ni Jordan ng maabutan niya ako. Nahawakan niya ang kamay ko, at hinigpitan niya ang kapit sa kamao ko, patago kong sinipa ang paa niya at na out of balanced siya at tikan na malaglag, buti naka-kapit siya.
Naramdam ko na may humawak sa leeg ko kaya siniko ko ang sikmura. Sinipa ko naman sa likod ng tuhod si Jordan at namilipit sa sakit. Mabilis ang pag-hinga ko, ramdam ko na ang pag-tulo ng pawis ko. Gabi na at ngayon pa sila umatake tch.
Huminga ako ng malalim at no choice kundi ang tumalon mula ika-tatlong palapag. Sakto lang ang bagsak ko at walang problema tinignan ko ang kambal at pababa na sila!
Wala na akong ibang alam na gawin kundi ang tumakbo.
'Sino'ng nagsabing takbo lang kaya ko? Baka baliktarin ko panga mo.'
BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
Ficção GeralWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"
![Twins Obsession [ 1 ]](https://img.wattpad.com/cover/116917801-64-k837842.jpg)