Shane.
Malaki parin ang mga mata ng leader ng Broken Teddies. Hindi 'to makapaniwala sa nagawa niya. Ang tanging sinisisi niya rito ay si Dark.
Hindi niya matanggap na ang grupo niya na nasa rango na ika-tatlo ay halos matalo lamang ng isang taong babae. Kahit na isa rin siyang babae, akala niya madali lang ang laban at matatalo niya kaagad ang kalaban pero mukhang nagkamali siya. Kaya naman pumasok sa isip niya na siya ang tatapos sa isang Dark, hindi siya titigil hangga't hindi niya naipag-hihiganti ang mga ka-grupo niya!
'OA ang pfft~'
Tinaas ng leader ang ulo niya at sumakto sa mata ni Dark.
Nabigla naman si Shane, pakiramdam niya ay may sapi ang leader sa katawan lahat halos yata ng kaluluwa ng natalo pumunta sa leader. Pero alam niyang hindi niya 'to pinatay, napuruhan lang.
"Anyare sayo?" pigil ang tawa na sabi ni Shane/Dark sa leader ng Broken Teddies. Sa loob loob ni Shane halos tumawa na lahat ng pwedeng tumawa sa tiyan niya dahil kung makikita mo naman talaga ang mukha ng leader ay nakakatawa.
"Pa'no mo nagawa sa mga alagad ko 'yon?!" Nabigla naman si Shane sa sigaw ng leader sa kaniya. "Alam mo bang ang pangalan ko ay Shenimiya?!"
"A-Ahmmm...Hindi..." sinasabi lang ni Shane ang totoo.
"Wala kang kwenta alam mo 'yon?!"
"H-Hindi...rin..." humina ang boses ni Dark dahil hindi niya talaga alam ang sasabihin. Alam niyang sapat lang ang boses niya para marinig ng leader na si Shenimiya.
Biglang sumugod ang leader kay Dark hindi naman 'to inaasahan ni Shane kaya tumilapon ang katawan niya at lumagapak ang katawan niya sa lupa ng stage o' ring. Ang bilis ng kilos ng leader kaya hindi niya inaasahan.
'Puta!? Wala na ata akong panga!'
Nag-hagis ng tatlong sunod-sunod na daggers si Shenimiya kay Shane. Naiwasan ni Shane ang dalawa pero bumaon naman sa kaliwang braso nito ang pang-huli. Sobrang ganda ng pagkakabaon na 'walang dugo ang lumabas.
"Shit!" napa-mura si Shane dahil sa sakit na natamo niya sa dagger. Mabilis niyang hinawakan ang dagger at hinablot. Napakagat labi siya sa sakit sa pag-hugot niya, matapos nun ay umawas ang masaganang dugo.
Feel niya kaluluwa niya ang nahugot.
Busy si Shane sa pagdaing ng sakit sa braso niya kaya hindi niya inaasahan ang atake ng leader na si Shenimiya.
Sinipa niya si Dark sa tiyan kaya tumilapon ulit ang katawan nito at lumagapak sa lakas ng impact na natamo.
"You're good, but you're weak." ngising sabi ni Shenimiya. Confident ang king ina kasi wala pa siyang tama sa katawan kahit isa.
Napa-ubo naman ng dugo si Shane dahil sa sipa. Pinikit niya ang mga mata niya ng mariin para hindi makita ang sarili niyang dugo. Pero naamoy niya naman, wala rin. Dinilat niya ang mga mata niya at dumiretso 'yon kay Shenimiya.
Nagulat si Shenimiya sa nakikita niya biglang ang kulay ng mga mata nitong chocolate ay unti-unting nagiging kakulay halos ng isang dugo. Napalunok siya sa nakita, nakaramdam siya bigla ng takot.
Kahit na kinakabahan sinugod niya si Shane ng isa sipa at tatama sana 'yon sa likod ng tuhod ni Shane pero binaluktot lang ni Shane ang paa at do'n tumama ang sipa ni Shenimiya. Nasaktan si Shenimiya sa pag-kontra ng atake niya pero hindi siya nag-pahalata. Susuntukin sana niya 'to pero tumama lang ang suntok nito sa palad ni Shane. Sa lakas ng impact parang may hangin na nabuo sa kanilang kamao at palad, napaatras ng bahagya si Shenimiya. Kinakabahan na siya dahil ang dugo na nasa mata nito ay mas lalo pang tumitingkad.
Sinipa ni Shane ang tuhod ni Shenimiya dahilan para mabali 'yon at lumabas ang buto sa likod. Maraming dugo ang lumabas mula rito at napa-hiyaw naman sa sakit si Shenimiya at napa-iyak. Pakiramdam niya katapusan na niya.
Sinipa siya ni Shane sa ulo dahilan para mawalan ng malay ang leader ng Shenimiya. Do'n nawalan ng rango ang...
Broken Teddies...
•
•
•
•
•
•
Humarap si Shane sa entablado at lahat ay nakanganga sa nasaksihan tumalon siya mula sa stage pababa sa lupa ng lugar, sinuntok niya bigla ang isang lalake sa sikmura dahilan para magsuka 'to ng dugo. Naalerto ang mga kasamahan nito at mabilis na sumugod kay...Shane o mas kilala bilang Dark.
BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
General FictionWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"
![Twins Obsession [ 1 ]](https://img.wattpad.com/cover/116917801-64-k837842.jpg)