E P I L O G U E

8.1K 106 20
                                        

Obsession 60

Love You Two...

------
Shane•

Tuloy-tuloy lang ang lakad ko, 'wala akong pake sa kung ano ang ibigay na tingin sakin ng mga tao sa paligid ko.

"Hickmans?" parang nataranta ang nurse at dali-daling hinanap ang kailangan ko. Ginala ko ang paningin ko, ang ganda ng hospital. Malawak at ppl maaliwalas.


"S-Second f-floor p-po, 'y-yong nasa dulo po n-na kwarto..." hindi na ako nag-salita, umalis na ako sa harap niya.

Hindi naman niya kailangan na mautal.

Sinunod ko ang sinabi niya sa ikalawang palapag sa dulo. Walang pasabi kong binuksan ang pinto, ginala ko ang paningin ko. Malaki parang hindi kwarto ng isang pasyente.

Kung gagawin 'tong kwarto kasiya ang sampung tao, may couch, may tv, may comfort room, may bintana, at kung ano-ano pa. Pero, naagaw ng paningin ko ang dalawang kama, syempre may dalawang nakahiga. Lumapit ako do'n at kita ang dalawang gwapong lalake.

Psh!

Napa-tingin ako sa labi nila, ang pula kahit na tulog sila. Nilapit ko ang labi ko sa labi ni Jeyden at dinampi do'n ang akin.

Mainit, masarap sa pakiramdam. Sinunod ko ang kay Jordan pareho lang. Tumayo ako ng tuwid at nilabas ang dalawang papel na nasa bulsa ko, inipit ko muna sa mga palad nila. Napangiti ako.

“Sa susunod na magkikita tayo ay hindi na gan'to ang scenario. Huwala nang sakitan at sabugan. Pangako. Kahit na... hindi ko kayo maalala gaano. -ganda”


Lumabas ako ng silid ng ospital at dumungaw ang sasakyan na kulay itim.

"So? Ayos ba?" tanong sakin ni Paul. Pinag-buksan niya ako ng pinto at umupo na ako sa loob.

"Yeah." simple kong sagot.

"Oh? Ba't ang tamlay mo?" sunod niyang tanong, dumungaw ako sa pinto at kita ko ang nag-lalakihan na mga building.

"May gusto akong kainin, pero hindi ko alam kung ano..." mahina kong sabi, sapat lang para marinig niya.

"Eh? Ano ba 'yon? Gulay? Karne? Inumin? Ano?" sunod-s
unod na tanong niya sakin, kahit ako hindi ko alam kung ano ang gusto ko.

"Hindi ko alam..." naiirita na ako sa kaniya.

"Eh? Ang pag-aaral mo pala? Sa'n mo itutuloy? Sa Amerika na lang?" Napa-isip naman ako sa sinabi niya. Ilang taon palang ako at gan'to na ang nangyari sakin.

"Hindi ko rin alam," sabi ko na lang. Ayaw ko masyadong mag-isip, nakakapagod sa utak.

"Okay," naging tahimik na ang loob ng sasakyan, maya-maya pa parang may kung ano'ng naghuhukay sa loob ng tiyan ko.

Nangunot ang noo ko.

"Itigil mo!" asik ko.

"B-Bakit?" binuksan ko kaagad ang pinto at mabilis na lumapit sa isang puno, at do'n sumuka ako ng todo!


"Hey?" naramdaman ko na may humagod sa likod ko, "Okay ka lang? Ano'ng problema?" Pinunasan ko ang bibig ko. Pinahid ko rin ang luha ko dahil sa pag-suka ko.

"Dumaan ka sa isang butika." Sabi ko at nauna ng pumasok sa loob ng sasakyan.


"Apat na pregnancy test." Agad kong sabi sa isang pharma, dali naman 'tong kumilos, ramdam kong nakaabang lang si Paul sa likod ko. Pagkabigay sakin ng pregnancy test nagbayad agad ako at sumakay ulit sa sasakyan.

"Punta ka saglit sa isang resto, basta may cr."

"Oww...K...?"

Tch. Sana hindi totoo ang pumapasok sa isip ko, masyado pa akong bata para sa gan'to, gusto ko munang ituloy ang pagaaral ko.

Agad akong bumaba at pumasok sa isang resto, sa comfort room agad ang punta ko. Pumasok ako sa isang cubicle at sinarado ang toilet bowl do'n naupo ako at binuksan lahat ng pakete na dala ko. Binuksan ko ulit ang toilet bowl at inihian ang kit hindi ko tinignan ang resulta pero sunod-sunod lang ang ginawa ko.

Pag-katapos ay tinignan ko na ang lahat. Una, pulang-pula ang dalawang linya. Pangalawa, medyo malabo ang isang linya. Pangatlo, pareho sa una. Pang-apat, gaya lang rin sa una at ika-tatlo. Napa-luha ako sa saya at lungkot.

Masaya kasi magiging nanay na ako. Malungkot kasi wala silang magiging ama.


Lumabas ako ng cr at naabutan si Paul na nakatayo, pinag-titinginan siya ng mga babae. Ang pogi kasi talaga niya.

"Ano? Okay ka lang?" Ngumiti lang ako at sumenyas na lumabas na.

"Pupunta na tayo ng airport, hindi ka dadaan sa parents mo?" Tanong niya. Napangiti ako ng masaya, mamiss ko sila ng sobra.

"Tara." simple kong sabi at mabilis na pumunta kami sa airport.

“Jordan and Jeyden...

































I'm pregnant.”

Twins Obsession  [ 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon