Shane.
HINDI ko na lang pinansin ang mga pinag-sasabi ng mga studyante sakin, halatang mga insecure lang naman sila sa ganda ko. Well...
Pinag-patuloy ko ang pag-lalakad...kada hakbang ko mayro'n parin akong naririnig na mga bulungan, about sakin. Hindi ko na lang pinapansin. Kung umasta parang mga bata na nakakita ng artista at pinupuri, iba nga lang sakin.
*Sigh*
Ilang minuto pa ang naka-lipas nakita ko na ang room ko pag-bukas ko ay sumalubong sakin ang natural na classroom.
May nag-uusap...
May nag-papatugtog...
May nag-aayos ng katawan...
May tawanan....
May mga tahimik lang rin sa isang tabi...
May mga wirdo...
Pumunta ako sa isang bakanteng silya at umupo, katabi ko ang isang mataba na babae. Feel ko wala siya masyadong kaibigan kasi sa katawan na mayro'n siya.
"Hi." Tawag pansin ko sa kaniya.
Tila wala siyang narinig at naka-tingin lang sa sahig, parang walang balak na tumingin sa paligid niya.
"Hi." Inulit ko pa.
Nag-angat siya ng tingin at tumingin sa paligid, tinignan niya ako ng puno ng pag-tataka.
"H-Ha?" Asik niya sa mahinang boses.
'Mahiyain...'
"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya. Parang ngayon lang may nag-tanong sa kaniya.
"B-Bakit?"
"The hell!?'
"Tinatanong ko lang," Malumanay kong sabi pero naka-ngiti...ngiting totoo.
"Y-Yen...ang p-pangalan ko..."
"Pera sa japan?"
"You mean...ang tawag sa pera ng japan? Currency something?" Tanong ko, siguro japanese siya. Hindi naman halata sakto lang ang mukha niya at masasabi mong purong pilipino.
"'Yon k-kasi ang pinangalan sa'kin, p-pero hindi naman kami mga japanese o kahit may halo..."
Ahh kaya nama pala, para bang pinangalan lang sa kaniya, bagay rin naman sa kaniya ang pangalan.
"Ahhh, OK!" At ngumiti ako sa kaniya.
"I-Ikaw?" Tinignan ko siya ng may pag-tataka...
"Ako?" Tanong ko sa kaniya. Napa-yuko siya at napakamot sa batok niya at tumingin ulit sakin. Maputi ang balat niya at hindi naman sobrang taba niya yung tipong mataba lang na sakto.
"Sak....to...."
"A-Anong p-pangalan mo..."
"Ahh kala ko naman kung ano, ang pangalan ko ay, Shane." Nilahad ko ang kamay ko at nakipag-kamay naman siya. Ngumiti siya at masasabi ko na ang cute niya may mga dimples na nasa kaliwat-kanan ng pisngi niya.
"K-Kaibigan?" Yumuko siya...para bang hinihintay ang sagot ko.
Ang masasabi ko sa kamay niya ngayon ay hindi malambot hindi rin matigas yung tipong tama lang.
"Sure...and please...'wag ka mautal, hindi bagay sayo..." Natawa ako sa sinabi ko at tumaas ang ulo niya at parang lumiwanag. Bumukas kasi yung ilaw medyo madilim kasi parang uulan.
"Sige..." Napa-ngiti ako sa sinabi niya, walang utal diretso ang salita niya. "Bakit nga pala sakin ka nakipag-kaibigan.?" Tanong niya sakin.
'Eh, 'di ba ikaw nakipag-kaibigan?'
"Kailangan pa ba ng rason?" Tanong ko sa kaniya.
"H-Hindi naman...'w-wag mo na sagutin..." Mahina niyang sabi, sapat lang para marinig ko.
"Feel ko lang makipagkaibihan." Sabi ko at ngumiti, napatingin siya sakin. Parang mas lalo ata lumiwanag peslak niya?
'Haha³'
Tumingin ako sa bintana at halos mawalan ng kulay ang mukha ko sa nakikita ko...
"Oh God!!!"
---
sleep now fucker.
BINABASA MO ANG
Twins Obsession [ 1 ]
Fiksi UmumWARNING: RESTRICTED +18 "It's not love, it's obsession!"