13: Dance Night

4.5K 106 8
                                        

Third Person's Point of View

Sabado na ngayon at kasalukuyang nag-aayos si Nicole, Dawn, at Elanie. Magaganap ang laban ni Nicole sa Monday. Kung sino ang makakalaban niya sa Legion of Gods ay hindi pa alam. Nung nakaraang Miyerkules ang naganap na pagpropose ni Bruise kay Nicole. Charot. Nung niyaya ni Bruise si Nicole na maging date sa Dance Night. Kinabukasan noon ay agad siyang pumayag na sumali sa LOG, kahit na medyo naduduwag pa siya. 'Yung din ang araw na niyaya ni Rafa si Nicole sa Dance Night pero si Bruise na ang date ni Nicole. So Rafa ended up asking Elanie. Si Lian naman ay hindi na itinuloy ang pagyaya kay Nicole kasi halata namang marereject siya kaya he ended up asking Dawn.

"Swerte mo talaga, Nicole. Si Bruise ang date mo!" Sabi ni Dawn habang naglilipstick sa salamin.

"Oo nga, Unnie Dawn!" Tugon ni Elanie habang nagpopose sa salamin.

"Nako, hindi naman." Sabi ni Nicole habang sinusuot ang black na gloves niya.

"Bakit hindi ka nag-above-the-knee nagdress?" Tanong ni Nica kay Nicole.

"Hindi ako comfortable mag-above-the-knee dress lalo na't may sayawan na magaganap." Sagot ni Nicole.

Ang suot ni Dawn ay isang mint blue na above-the-knee dress which is nagmamatch sa hair color niya. 'Yung sleeves ay may butas sa bandang balikat habang 'yung sa may bandang bewang ay meron ding butas. Black stilettos na 5 inches. Black bracelet at black na hair clip. Kinulang sa tela? Nope, that's fashion.

Ang suot naman ni Elanie ay isang skirt na jumper na dark green at white na blouse na may dark green ribbon sa leeg. White gloves. Nakacurl ang buhok niya. Dark green 3 inches stilettos at white na hair clip.

"Help beat energy, energy gap!" Pang-aasar ni Dawn kay Elanie. Nagtawanan silang tatlo.

Si Nicole naman ay naka simpleng red dress na mababa ang neck line at may black gloves. Nakastraight ang buhok niya at may bulaklak na red sa buhok. Light lang ang make-up niya at suot niya pa rin ang wrist watch niya. Black stilletos na 5 inches.

"Anong sasayawin niyo, Unnies?" Tanong ni Elanie.

"Playing With Fire by Blackpink." Naeexcite na sagot ni Dawn.

"How about you, Unnie Nicole?" Tanong ni Elanie.

"You'll see later." Nagwink si Nicole sa kanilang dalawa.

"Eh 'yung sa'yo?" Tanong ni Nicole kay Elanie.

"Boombayah by Blackpink, Unnie!" Nagulat ang dalawa kasi hindi nila lubos maisip na sasayaw ng sexy si Elanie.

"Just kidding, Unnies! Signal by Twice sasayawin ko.Tumango-tango na lang si Dawn at Nicole. Kaya pala mukhang barbie si Elanie ngayon at may paribbon-ribbon pa sa leeg.

Tumunog ang cellphone ni Nicole kaya chineck niya ito.

From: Bruise Kalmot

I'm outside your dorm.

Nagpaalam na si Nicole kay Dawn at Elanie at nagmadaling bumaba. Pagbukas niya ng pinto ay hindi niya iniexpect na magaall black si Bruise. Naka-black T-shirt ito na may slit sa gilid.

"Magkaiba tayo ng OOTD! Hahaha." Sabi ni Nicole.

"Ganon talaga dito kapag Dance Night. It does not matter if you are different. Besides, being different is unique." Sabi ni Bruise at nagsimula na silang maglakad papuntang gymnasium habang nakaakbay si Bruise sa kaniya.

Pinag-uusapan sila ng mga estudyante dahil bukod tangi sila na agaw-pansin. In short, attractive sila pati ang suot nila.

"Don't mind them. They're busy admiring your beauty. You should be busy admiring me." Biro ni Bruise. Hinampas siya ni Nicole sa dibdib.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon