10: The Queen

5.5K 123 16
                                        

Lian's Point of View

"What you need:

A wild demon dog's fur

An eye of a dead human

Something small the dead which you will revive owns

A frog's heart

A chicken's feather

Your blood

Steps:"

I closed the book and went to the Underneath. I have to return the book. I went to the forest which is the closest to the ladies' dorm. I felt pain in my chest but I did not mind it. Nagmasid-masid muna kung may tao. Ng makasiguradong wala ay naramdaman ko na lang na may tumubo sa ulo ko, nasira ang damit na pang-itaas ko, may tumubo sa likod ko, naramdaman ko 'yung buntot ko, naramdaman ko 'yung paghaba ng buhok ko, naramdaman ko 'yung piercings sa ilong at labi ko, at naramdaman ko 'yung pagpalit ng kulay ng mata ko. Red at black ulit.

Para akong kaluluwang nahulog na lang mula sa mundong ibabaw patungo sa Underneath. Lumusot na lang ako sa damuhan at naramdaman ang malamig na simoy ng hangin sa Underneath. Hindi naman ganon kainit dito. Malayo pa sa kaharian ang mismong hulugan ng makakasalanan at masamang tao. It's either they will turn to ashes or will be a demon.

"Maligayang pagbalik, Master." Bati sa akin ng mga tauhan ko. Ngumiti ako sa kanila. Kahit na ako ang hari o master nila dito, ayaw na ayaw kong nagbobow sila sa akin. Hindi naman kasi gano'n kataas ang tingin ko sa sarili ko.

"Masterrrr!" Lumundag sa akin si Leroy habang dinidilaan ang pisngi ko, dahilan parang matumba ako.

"Chill ka lang, Leroy. Nasaan si Tanda?" Tanong ko.

"Ah, nasa office niya." Sagot ni Leroy. Pumasok naman ako ng palasyo na nakakorona lang. Hindi ko na sinuot ang cape ko at dumiretso sa office ni Tanda. Binuksan ko ang pinto ng office niya ng hindi man lang kumakatok.

"Tanda." Tawag ko sa kaniya. Binaling niya ang tingin sa akin habang nagbabasa.

"Aba, wala ka bang galang? Ano ang iyong kailangan at napunta ka rito?" Tanong ni Tanda. Wow, kailan pa ito natutong magdeep tagalog?

"Una sa lahat, kamusta naman ang Underneath? May mga balita ba?"

"Ayos lang. Wala namang masamang balita maliban sa nabasag lang naman ni Leroy ang salamin sa kwarto ko." Sabi niya na mukhang nnanghihinayang pa. Sinubukan kong pigilan ang tawa ko dahil sa mukha niya pero hindi ko talaga mapigilan. Tumawa ako habang nakahawak pa sa tyan ko. Nakakatawa naman kasi talaga 'yung mukha niya.

"Anong nakakatawa doon?! Hayyyy. 'Yun na nga lang nakakausap ko 'pag wala akong kausap o 'pag bored ako eh." Magic mirror kasi iyon. Halos lahat ng tao sa palasyo ay may ganon. 'Yung iba ay 'yung maliit lang. Pero sa amin ay malaki, nakalagay ito sa kwarto namin. Hindi ko pa rin naman nakakalimutang magdala nun lagi, may gano'n din akong maliit.

"Tsss. Sabihin mo, nanghihinayang ka dun sa magic mirror mo dahil maganda at sexy ang kausap mo doon!" Tumawa kaming pareho. Ang magic mirror kasi ay parang utusan mo. It's either lalaki ito o babae. Pwede mong pagtanungan kahit tungkol pa 'yan sa love life mo. Pwede mong utusan at lahat ay gagawin niya. Pero hindi na iyon maibabalik ulit sa dati once na masira ito. Marami namang magic mirrors dito sa Underneath.

"Kilalang kilala mo talaga ako." Tumawa kami lalo dahil sa sinabi niya. Nagsimula na akong magseryoso at nagseryoso na rin siya.

"Ang totoong ipinunta ko dito ay itong libro na ito." Pinakita ko kay Tanda ang libro at nakatitig lang siya dito at nagsimulang mamutla.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon