35: Tubig

3.4K 66 2
                                        

Lian's Point of View

Tubig...

Dagat...

Asul...

Babaeng nakaputi...

Babaeng may mahabang buhok...

Malambot na kamay...

Hinila niya ako pataas mula sa aking pagkalunod. Hindi ako sigurado pero kamukha niya si Nicole. Ang pinagkaiba lang ay mahaba ang buhok niya ngayon.

Si Nicole ba ito?

Anong nangyayari?

Bakit kami nasa dagat?

Patuloy niya pa rin akong hinihila pataas. Nakikita ko na. Nakikita
ko na ang liwanag. Pero mas nangibabaw ang mukha niya sa paningin ko. Malabo pa rin. I can't see her face clearly. It's all blurry.

"BOOM TARAT TARAT! BOOM TARAT TARAT! TARARAT TARARAT! BOOM BOOM BOOM!" Nagising ako mula sa panaginip ko ng marinig ang nakakairitang boses ni Allan na mismong itinapat sa tenga ko.

"You're too fucking loud! What's the problem?!" Angal ko. Nagform ng letter 'O' ang bibig nilang mga gunggong.

"Ooooooowwww! Napapaenglish si kumpare ng wala sa oras!" Pang-aasar ni Johnry. Umirap lang ako at sinamaan sila ng tingin.

"Just tell me the problem." Sabi ko. Hindi naman manggigising ang mga ito ng trip trip lang dahil alam nilang magagalit ako. Sigurado akong may dahilan ito.

"Intrams na! Grabe, aware ka ba?!" Sabi ni Jose. Nanlaki ang mata ko at nagmadaling pumunta ng banyo.

Shit, intrams nga pala ngayon. Although, it's only been two weeks since the headmistress died. Nailibing na siya sa libingan dito sa academy. Everything is going well kahit na wala pang permanenteng head ang academy.

Matapos maligo ay nagbihis na ako simpleng T-shirt at jeans. Lumabas ako ng kwarto ng makitang naglalaro ang mga gunggong. Nagkukunyaring mga pusa amp. Naglalandian pa. Gay stuffs.

"Are you gay?" Tanong ko sa kanila. Napatingin naman sila sa akin at lumapit.

"Fafa Lian, hindi kami gay. Baliw lang sa'yo! Ayieee!" Pang-aasar nila. Umirap lang ako.

"Ha-ha-ha!" Sabi ko. "Tara na." Dagdag ko. Nagmadali naman silang tumungo sa may door way para isuot ang sapatos nila at nag-unahang lumabas. Mga gunggong talaga.

Hindi ko nga alam kung bakit ko naging kaibigan ang mga ito at napili pa nilang magstay sa dorm ko samantalang may dorm naman silang kanila.

Pumunta na kami sa school field. Maraming booth at pinagawang rides dito. Meron pa ngang marriage booth. May kasama sana akong papasok diyan eh, joke lang.

Napalingon ako sa likod ng may tumapik ng likod ko. Pero pagkalingon ko, wala naman. Tumingin ako sa paligid pero mukhang nakatakas. Tsk. Papansin.

"Girls, nakafree hugs and kisses si Lian Atama! Nasa school field siya malapit sa marriage booth! Hurry!" Nanlaki ang mata ko at dinumog ng mga babae. Jusko. Paano ito nangyari?!

"HAHAHAHAHAHA!" Narinig ko ang tawa ng mga gunggong na tinuturo ang likod ko.

"Free hugs and kisses pala, Fafa Lian!" Pang-aasar ni Allan kaya lalo silang natawa. Sinubukan kong tanggalin ang papel na nakadikit sa likod ko pero ayaw matanggal.

"Tanga, may spell 'yan. Mamayang 6:00 ng gabi pa iyan matatanggal." Lumingon ako sa pamilyar na boses. Si Alohna.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon