Nicole's Point of View
"Kinakabahan ako, Kuki!" Sabi ko. Halatang halata sa mukha ko ang kaba. Tagaktak ng tagaktak ang pawis ko at nanginginig ako kamay ko. Nasira na namin ang lagayan ng gem stone ng laronian shield. Ang gem stone na lang ang sisirain. Pinakitaan ako ni Kuki ng pokerface. Halos hindi kami nagdadaldalan, ako lang yata ang nagsasalita sa aming dalawa. Ginawa ko pang soundproof ang kwarto ko para hindi magising ang iba. Pero okay na ring kasama si Kuki, pinagtimpla niya ang ng napakatapang na kape kaya gising na gising ako.
"Crazy woman, use one of your abilities." Sabi niya. Eh kinakabahan pa rin ako! Huhuhuhu. Fine, sige, gagawin ko na lang steel ang braso at kamay ko tapos gagamitan ko ng super strength.
Unti-unting naging steel ang kamay ko hanggang braso. Kitang kita sa mata ni Kuki ang pagkaamaze. Maybe this is all he wanted kaya sumama siya, ang makita akong gamitin ang abilities or powers ko. Unti-unti ko na ring nararamdaman ang bigat ng braso at kamay ko dahil sa super strength.
"Don't use full power." Napatingin ako sa kaniya ng akmang mahahati ko na ang gem stone. Tinanunguan ko siya at tuluyang dinurog sa kamay ko ang gem stone. Syempre hindi durog na durog. "There." Sabi ni Kuki.
Kinuha ko na ang isang makapal na tali at tinali ang isang gemstone doon. Si Kuki ang gumagawa nung parang tali or lace. Meron siyang skills pagdating sa creativity. Hindi ko lang nahalata nung una. Siguro hindi siya masyadong showy about sa personality niya.
"So tell me something about you." Biglang sabi ni Kuki. Ano namang sasabihin ko sa kaniya? At isa pa, nabigla ako doon ah. Siya unang nagsalita at hindi ako. Hmm.
"Katulad ng ano?" Tanong ko kay Kuki.
"Paano at kailan mo tinanggap ang kung ano ka na ngayon?" Tanong niya. Bakit niya gustong malaman? Naningkit pa ang kaniya mga mata habang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin habang inaayos ang necklace na ginagawa namin.
"Hmm. Mini duel namin ngayon and I was getting bullied that time kasi hindi ako lumalaban. Wala akong idea kung ano ang ability at power ko nun. Little did I know I have all. Tapos ayun, tinanggap ko na ang pinagkaloob sa akin ng goddess at nagtransform ako ng angel form ko sa harap nila." Sabi ko kay Kuki. "Ilang taon ka na ba?" Tanong ko.
"23 years old." Sabi ni Kuki. Nanlaki naman ang mata ko. 23 years old lang siya? Is he damn serious?
"Seriously? You look young. Same age tayo." Sabi ko sa kaniya. He rolled his eyes and gave me a poker face. 23 years old din ako katulad niya pero is he fucking serious? Oo, matangkad siya pero baby face kasi siya ay maputi.
Ilang oras pa ang kinailangan naming tiisin sa paggawa ng accessory at nang matapos na ang 15 na accessory ay nakatulog si Kuki sa kwarto ko. Pinatungan ko na lang siya ng kumot at natulog na sa kama ko.
Hindi ko pa rin maiwasang isipin kung paano nangyaring naging magkaaway si Mommy at ang best friend niyang si Reena. Para ang laki ng kasalanan nila sa isa't isa pero nagpapataas lang sila ng pride. Ano namang ginawa ni Mommy para mainggit si Reena? At ano namang ginawa ni Reena para magalit din sa kaniya si Mommy?
Bakit hanggang ngayon hindi pa rin nasasagutan ang mga tanong sa isip ko magmula pumasok ako ng Heavenly Academy?
~~~
"Hey, fucking wake up!" Dinilat ko naman ng dahan-dahan ang mga mata ko. Kinusot ko ang mga mata ko at dahan-dahang bumangon tsaka ko nakita si Kuki na may hawak na nakatuping kumot.
"Thank you for the blanket." Sabi ni Kuki at inabot niya sa akin ang kumot. "Ayusin mo na rin ang mga dadalahin mo sa misyon, gumamit ka ng backpack. I'm going back to the Challenger's dorm." Sabi ni Kuki. Nanlaki ang mata ko.

BINABASA MO ANG
Good Meets Bad
FantasyThey're not mafias nor gangsters. They're not lost princesses nor princes. They're not teenagers who will fall in love and have a happy ending. They're not fuck buddies who will fall in love with each other. They're peculiars. They're kings and quee...