54: Good Time

2.5K 53 0
                                    

Nicole's Point of View

"Magdala na kayo ng damit, just in case." Sigaw ko habang nag-aayos. Hindi ko alam kung narinig nila o hindi pero wala akong pake. Kinuha ko ang cellphone at tinext si Rafa.

To Rafa:

Text me when you're home.

No parties.

Take care.

Narinig kong nagsilabasan na sila ng kwarto nila kaya lumabas na rin ako. Si Martin, Derek, at Grey lang ang lumabas. Nagpunta si Martin sa kusina habang si Derek naman ay nakatambay sa may staircase. Baka nag-aayos pa ang iba. Inosente ko silang tiningnan atsaka bumaba na para icheck ang kitchen at sala kung nilinis nila o hindi. Napalingon ako sa likod ko ng may humawak siya braso ko.

"Starting now, I will be the one to take care of you. Ako na dapat palagi ang kasama mo kahit si Lian ang rank 2." Seryoso niyang sabi. Biglang pumintig ng malakas ang aking puso ng titigan ko ang mga mata niyang nakatitig din sa akin. Narinig ko ang sipol ni Derek na dahan-dahang umalis sa tinarambayan niya.

Bakit ba bigla bigla na lang itong sumusulpot?

Dug, dug, dug, dug...

"Hindi mo na kailangang a-alagaan ako, Grey. I can take care of m-myself." Utal-utal kong sabi. Tinaasan niya ako ng kilay at pinamulsa ang kaniyang kamay.

"I'm not gonna let him hurt you again." Kumunot ang noo ko habang natatawa sa sinabi ni Grey. Umiling na lang ako. Ang possesive. Hindi naman siya si Daddy.

Nagkibit balikat ako at bumaba na ng hagdanan. Doon ko nakita si Lian na nakapamulsa at nanlilisik ang mata kay Grey. Sumisipol lang si Grey habang sinusundan ako. Nag-igting ang bagang ni Lian ng hawakan ulit ni Grey ang kamay ko. Dahan-dahan itong bumababa sa kamay ko.

Umaliwalas lang ang mukha ni Lian ng nakitang pababa na rin ang iba. Nauna akong lumabas ng bahay at pumasok kay Izzy. Sumunod silang lahat habang may dalang bag.

"Welcome back, masters." Bati ni Izzy. May parang tinype si Sparkle sa parang hologram na computer atsaka nagsimulang umandar si Izzy. Hindi maalis ang ngiti ko dahil makikita ko ulit si Daddy.

Ako ang nasa pinakadulo, ang pinakamalapit sa driver's seat. Sunod si Grey, Heart, at Derek. Sa harap naman namin ay si Sparkle, Lian, Dawn, at Bruise.

Biglang pumasok sa isip ko si Nica. Kamusta na kaya ang fairies namin? Nasaan na kaya sila? Bumalik kaya sila sa fairy forest? Nandoon pa kaya sila sa academy? Bakit hindi ko sila makita?

"I'm damn jealous."

Napatingin ako kay Lian ng marinig ang boses niya sa utak ko. Malalim ang titig niya sa akin. Hindi ako mapakali. Ano bang dapat kong gawin?

Gusto ko siyang suyuin na huwag na siyang magselos. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang halikan sa pisngi. Gusto kong hawakan ang kamay niya.

"There's nothing to be jealous of. You're not my boyfriend." Sabi ko.

"Ang ingay niyo. Can you please shut up? May ginagawa ako." Sabi ni Bruise at pumikit. Mukha nga siyang may ginagawang importante sa utak niya. Idiniin ng marahan ni Grey ang ulo ko sa balikat niya.

"Just sleep." Bulong niya. Sinunod ko siya at pinikit ang mata ko. Sobrang bango ni Grey. Nakakaadik 'yung amoy. Hindi katagalan ay nakatulog agad ako.

~~~

Nagising ako ng maramdaman ko ang hininga ni Grey sa earlobes ko. Kinilabutan ako at dumilat. Lahat sila ay pababa na kay Izzy habang si Grey ay nakasandal sa balikat ko at pinagmamasdan ako. Na-concious agad ako sa amoy ng hininga ko kaya kinibit ko ang aking balikat kaya inalis niya ang pagkakasandal sa balikat ko. Inamoy ko ang hininga ko.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon