Nicole's Point of View (Cassandraline Whitefox)
"Demi, please cancel my flight tomorrow."
[Okay, ma'am.]
"Tell Adrianne that I still don't know when I will go back. Thank you, Demi."
I ended the phone call. Nag-angat ako ng tingin ng sunggaban ako ni Andrei at yakapin sa sofa. Nanggigigil ko siyang niyakap pabalik.
"Mommy, are you sure you won't come with us?" Tanong niya. Bumuntong hininga ako habang hinihintay niya ang sasabihin ko.
"No, Andrei. Mommy still have a lot of things to do here in the Philippines." Sabi ko. Umayos siya ng upo. Yumuko siya at nagpout. "But don't worry. As soon as I get done, I will go home na." Tumango lang si Andrei ng tawagin siya ni Rafa.
"Come on, Andrei. The driver is at the parking lot na." Sabi ni Rafa. Andrei hugged me tight and left.
"Bye Mommy!"
"Bye Brex."
Nang makaalis na sila ay kumaripas ako ng takbo sa kwarto at kinuha ang maleta ko. Niligpit ko na rin ang mga kalat para hindi nakakahiya.
Lumabas ako ng hotel room ko para bumaba sa lobby. Meron kasing store doon. Bibili na lang ako dahil gutom ako atsaka para kung gutumin ako sa byahe. Pagkababa ko ay binati ako ng mga employees. Nginitian ko lang sila. Ms. Aveldera pa rin ang tawag nila sa akin dahil ako ang anak ng may-ari, at ako ang mamamahala kapag wala si Daddy.
Nakita ko si Alexna na pumasok sa lobby. Nakahalter top siya na maroon at pants. Nakablazer din siya na kulay white. Ipinagbali wala ko iyon at dumiretso sa katabing store ng hotel ng makita ako ni Alexna.
"Well, well, well! Nandito na ang malandi!" Sabi niya. I rolled my eyes. I let out a heavy sigh.
"Alexna, huwag dito maraming tao."
Unti-unting dumadami ang tao sa labas. Mga reporters at camera man. Marahil may nakakita kay Rafa at Andrei kaya siguro nila ako nahanap.
"Bakit? Nahihiya ka? Wala ka namang hiya di'ba? May boyfriend ka na at may boyfriend ako. Bakit mo aagawin sa akin ang boyfriend ko gayong mayroon ka naman?" Galit niyang sabi.
Nagsimulang magkagulo ang mga tao sa labas.
"Okay, first of all, Alexna, boyfriend mo lang siya. Hear that, Alexna? Boyfriend mo siya pero hindi ka niya mahal!" Sigaw ko. Lumapit siya akin at pinanglakihan ako ng mata.
Feeling mo maganda ka? Nakapangbahay lang ako pero mas malakas dating ko sa'yo.
"Mahal niya ako! Sadyang nilandi mo siya!"
"Hindi ako malandi! You were just a rebound, Alexna! Rebound ka lang! Pumayag ka namang gawing rebound! Ako ang mahal, ako ang nauna, ako ang mas may karapatan dahil ako ang mahal niya!"
She slapped me.
"God damn, Alexna. Being slapped by the truth is more painful than being slapped by a dog like you. You should know that."
"Walang hiya ka!"
Dumating si Heart at Sparkle sa loob ng hotel. Inawat nila kami. Nakahawak si Heart sa balikat ko habang pinipigilan ni Sparkle si Alexna sa pagsugod.
"You left him then you came back. Bakit hindi ka na lang umalis ng tuluyan?" Basag ang boses ni Alexna. "Ex ka na, bakit bumalik ka pa?"
"It's not my fault he offered a collaboration with me." Mahinahon kong sabi.
"Sinaktan mo siya! Tapos babalik ka? So sasaktan mo na naman siya! Umalis ka na lang dito sa Pilipinas at huwag ka ng manggulo! Wala kang kwe-"
"Manggulo?" Tanong ko. Tumawa ako. "Hindi ako nanggulo, Alexna. Sadyang mahal niya pa rin ako. Just accept the fact, Alexna! He was never yours! He never loved you!"

BINABASA MO ANG
Good Meets Bad
FantasyThey're not mafias nor gangsters. They're not lost princesses nor princes. They're not teenagers who will fall in love and have a happy ending. They're not fuck buddies who will fall in love with each other. They're peculiars. They're kings and quee...