63: Dati Pa

2.1K 32 1
                                        

Kuki's Point of View

"Ang landi mo kanina, Kuki. Nakakatawa kayo ni Nicole! Haha!" Pang-aasar ni Chikyu sa aming dalawa ni Nicole pero ganoon pa rin ang posisyon namin tatlo. Nauuna si Chikyu at Nicole, at syempre, ako nasa likod. Malapit ko ng utusan ang mga spirit ng hangin na tangayin na lang itong si Chikyu.

Gabi na at nakapagpalit na rin kami ng damit. Kumain at nagpahinga lang talaga kami sa bahay namin. NakaT-shirt na ako at shorts. Si Chikyu naman ay nakahoodie at shorts din. Si Nicole naman ay nakasando at shorts. Ni 'di ko nga alam kung nagdala ba 'tong babaeng 'to ng jacket eh. Basta kapag nilamig siya, hindi ko siya papahiramin. Joke lang.

"Gutom pa akooo!" Malakas na sigaw ni Chikyu. Halos mag-echo sa buong lugar ang sinabi niya. Tumawa naman si Nicole. Ano bang nakakatawa kay Chikyu?!

"Sorry, nilabas ko lang 'yung nasa loob ko para mawala." Sabi niya. "Try niyo rin!" Dagdag niya. Ngumiwi naman ako pero napawi 'yun nang makita kong nakatingin sa akin si Nicole at ngumiti.

"Gusto ko ng mamatay!" Sigaw ko. Gusto ko ng mamatay, talaga. Gustong gusto na. "Gusto ko ng mamatay!" Sigaw ko ulit.

Gusto ko ng mamatay pero wala akong lakas ng loob magpakamatay dahil marami pa akong inaalala, marami pa akong bagay na hindi pa natatapos, marami pa akong gustong gawin, pero gusto ko ng mamatay. Hindi ako magpapakamatay, hihintayin ko na lang. Hihintayin ko na lang na mamatay ako. Hihintayin ko na lang ang oras ko. Puwedeng sa labanan tapos may papatay sa akin, puwedeng magkasakit ako ng malalang sakit, o kaya puwede rin akong mamatay sa mga sinasabi sa akin.

Words aren't just words, they deliver what you think and feel towards something or someone. Kaya para sa akin, mas masakit ang mahusgahan kaysa patayin ako sa isang labanan at mamatay ako sa stage 4 lung cancer. Wala ng mas sasakit pa sa sabihan ka ng walang walang kwenta at hindi deserving. Marami pang masasakit na salita ang naitatak nila sa isip at puso ko, naitatak na hindi ko na maalis, na kahit anong ngiti at tawa ang gawin ko sa umaga'y sa gabi ako tumatangis.

Masakit, masakit, sana alam niyo kung gaano kasakit, para hindi na kayo manghusga ng tao at tanungin namin ng bakit. Bakit? Bakit napakasama ng mundo? Bakit napakasama niyo?

Nabalik ako sa realidad ng makita si Chikyu at Nicole na nakatingin sa akin. Their eyes are telling me something na hindi ko maipaliwanag. Naluluha na ang mata ni Nicole, nagulat ako ng yakapin niya ako at sumigaw, "Group hug!" Lumapit naman si Chikyu at naggroup hug kaming tatlo.

The hug was tight, I wished it never ended. Napakasarap sa pakiramdam na may yumayakap sa'yo ng mahigpit. Tumingala naman si Nicole sa langit na maraming bituin.

Nicole's Point of View

Tumingala ako sa langit. Madaming bituin at napakaganda. Lalo kong hinigpitan ang yakap ko kay Chikyu at Kuki. Tumingala din sila sa langit. Ngumiti ako at inipon ang lakas ng boses ko. Tumingkayad ako habang nakaakbay sa kanilang dalawa.

"Sana mahanap na namin ang wolves! Sana hindi na malungkot si Kuki at sana huwag na siya magwish na sana mamatay na siya! Sana maging masaya lang si Chikyu throughout his life journey! Sana maging strong ang bond at friendship naming lahat! Sana manalo kami sa war!" Sigaw ko. Umayos ako ng tayo at kumalas sa pagkakayakap. Nginitian ko sila at nauna sa paglalakad.

"Tara!" Sabi ko sa kanila. "Huwag tayo babagal-bagal!" Dagdag ko. Agad naman silang sumunod sa akin. Naglakad na kami papunta sa tuktok ng bundok dahil andon daw kadalasan ang wolves.

"Hey Nicole," Tawag sa akin ni Kuki. Nilingon ko naman siya habang naglalakad kami. Kinamot niya ang ulo niya na parang nahihiya pa. "Gusto ko lang sabihin na ituloy mo lang ang positivity mo, it really helps." Sabi niya. Tumango lang ako at ngumiti as response.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon