68: Historía University

2.3K 41 3
                                    

Third Person's Point of View

"Hey," tawag ni Rafa kay Lian, "I'm... terribly sorry for everything I did in the past." Sabi ni Rafa at umiwas ng tingin kay Lian. He pretended to scratch his head while his other hand is in his pocket. "This sounds gay, dammit!" Dagdag ni Rafa. Sabay silang tumawa sa isa't isa. Lian smiled to Rafa.

"It's all in the past, matagal na kitang pinatawad even if hindi ka mag-sorry. Sorry rin if I was so selfish back then. Tanggap ko naman na ngayon na hindi talaga kami ni Nicole ang para sa isa't isa." Sabi ni Lian. Rafa smiled bitterly with a little bit of pain in it. 

"Diyan ka nagkakamal-" hindi na natuloy ni Rafa ang sasabihin dahil may narinig silang ingay sa labas ng dorm at mga taong katok ng katok.

"Hoy, buksan niyo 'to!"

"Nag-yayaoi na ba kayo diyan?!"

"Andito na kami! Naiwan namin susi namin!"

Agad na tumayo si Lian at naglakad papunta sa pinto para pagbuksan ang maiingay niyang kasamahan sa LOG ng makita si Nicole na naka fitted long dress na may maliit na umbok sa tiyan at nakatali ng maluwag.

"Panagutan mo 'to, Lian!" Natatawang sigaw ni Dawn sabay turo sa maliit na umbok sa tiyan ni Nicole. Kumunot ang noo ni Lian. Mukhang siya na lang yata ang hindi nakakaalam. Natutuwa si Nicole na may halong kaba sapagkat baka hindi maniwala si Lian at tuluyang lisanin ang academy at LOG.

"Oo nga! Tingnan mo, star struck na naman 'to si Lian kay Nicole!" Sabi ni Sparkle. 

"Tama ba ang hinihinala ko? May nabuo kaya?" Sabi ni Lian sa kaniyang sarili.

"Ito 'yung sasabihin ko dapat sa'yo, Lian," sabi ni Rafa at nagpatuloy, "buntis si Nicole. Ikaw daw ang ama." Dagdag ni Rafa. Nanlaki ang mga mata ni Lian. Tila ba'y gulat na gulat at hindi makapaniwala. May kakaiba siyang nararamdaman sa kaniyang tiyan na hindi niya maipaliwanag. Masaya, kabado, gulat, naghalo-halo ang mga emosyon niya. Dapat ba siyang tumawa o ngumiti? Para bang ayaw niyang maniwala sa mga nakikita at naririnig niya ngayon. Na baka mamaya ay panaginip lamang ito o kaya isang prank. 

"Stop joking around." Seryosong sabi ni Lian. Nag-make face si Heart at tiningnan ang mga kasamahan kaya ginaya siya ng mga ito. Tumalikod si Lian sa kanila at naglakad ng diretso papunta sa kwarto niya. Alam naman kasi niyang hindi siya ang ama nun, pero diyan siya nagkakamali. Kinalimutan niya na ang nangyari sa kanila ni Nicole. Siguro dahil masyado niya itong mahal kaya nangibabaw ang pagmamahal na nararamdaman niya para kay Nicole.

Pagkapasok ni Lian sa kaniyang kwarto ay agad siyang umupo sa kaniyang kama at nag-isip-isip. May narinig siyang mga tapak ng paa, sunod ay isang malakas na katok sa pinto. Humiga si Lian at humarap sa pader. Pinilit niyang matulog. Ayaw niyang buksan ang pinto.

"Lian, si Nicole 'to." Nang marinig ni Lian ang mga katagang iyon ay napabangon siya agad at nagkaroon ng urge na buksan ang pinto pero hindi niya ginawa. Tumayo lang siya sa harap ng pinto.

"Buksan mo 'to. May kailangan tayong pag-usapan." Ani Nicole muli ngunit hindi natiis ni Lian si Nicole kaya binuksan niya nag pinto. Nang makita si Nicole sa harap ay para bang nakaramdam ulit siya ng kung ano sa kaniyang tiyan. Hindi niya maipagkakaila, mahal niya pa ang babaeng nasa haraan niya. Kung puwede lang na huwag na niya itong pakawalan ay ginawa na niya.

"Ano 'yun?" Sabi ni Lian. He looks calm to Nicole's eyes pero nag-papanic na siya deep inside.  

"Totoo 'yun. I'm pregnant and you're the father, stupid." Sabi ni Nicole kay Lian. Napabuntong-hininga ito. "Papanagutan mo ba?" Dagdag nito.

Lian's Point of View

I want to write,

For the most beautiful girl in my eyes,

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon