Rafa's Point of View
Nabalitaan kong nakabalik na si Lian ng Heavenly Academy. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit hindi sila magkasabay ni Nicole. Atsaka paano ko ba naman hindi mababalitaan? 'Yung mga fangirls niyang mas mahal ako eh.
Nagfocus na lang ako sa pagbabasa ng notes. May long test mamaya sa History. Hehe. Inspired c aq. <3
Biglang dumating si Dawn na pawis na pawis at haggard sabay punta sa akin. Hingal na hingal siya. Nagpunas muna soya ng pawis bago magsalita gamit 'yung panyo niya. Yak. Amoy pawis, ewww. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa notes ko.
"Naaksidente daw siya!" Napatingin ako kay Dawn. Napabalikwas ako ng tayo at nahulog ko ang notes ko.
"Naaksidente sino?!" Is she talking about Nicole? Kasi kung siya nga, puta.
"Si Nicole!" Nakita kong napabalikwas din ng tayo si Lian.
Third Person's Point of View (before the accident)
Pumunta si Nicole sa East Wing para kumuha ng pictures. Bored siya at wala pang misyon na ibinibigay sa kanila. Sinubukan na rin niyang makipaglaro at sakyan si Neana kaso hindi ito sumusunod sa kaniya kaya pumunta na lang siya sa East Wing dala ang camera niya.
May dumaang mga batang naka-PE uniform na naglalaro sa East Wing. Mga estudyante rin panigurado pero gradeschool pa lang. Pinicturan niya ang mga ito habang tumatawa. Bigla niyang naalala ang Daddy niya kaya napangiti na lang siya.
Pagkatapos noon ay inikot niya na ang buong academy pero hindi pa rin siya masaya. Bored pa rin siya at parang gusto niyang pumunta ng human world. Wala namang makakahanap sa kaniya sa human world sapagkat ang mga matataas lang ang kayang magteleport sa human world, maliban na lang kung payagan ka ni Revena na dumaan sa shortcut.
So ayun nga, pumunta siya ng human world at kumuha ulit ng mga litrato. Nasa isang city siya ngayon na hindi niya masyadong maalala ang pangalan dahil ang tagal na noong unang punta niya dito. Fine, haha. Nasa BGC si Nicole at kumukuha ng mga litrato. Street style.
Napag-isipan niyang umalis na at pumunta sa ibang lugar. Saktong nakapula ang stoplight kaya tumawid na siya. Siya lang ang tao noon sa daan. Hindi niya inaasahang isang lasing na driver ng malaking kotse ang makakasagasa sa kaniya.
Natumba siya at tuluyang nawalan ng malay... o buhay? Grabe ang pagkakasagasa sa kaniya nito. Hindi man lang bumaba ang driver dahil nga lasing ito. Kitang kita ang dugo na dumadaloy galing sa kanyang ulo. Pati 'yung binti niya ay nadali.
~~~
"Si Nicole!" Napatingin ang lahat kay Dawn. Napabalikwas din ng tayo si Lian sa pag-aalala.
"A-anong nangyari?" Tanong ni Lian kay Dawn habang nakahawak sa braso ni Dawn. Tumingin si Dawn kay Nicole na puno ng pag-aalala sa mga mata.
"Gumawa daw ng portal to human world si Nicole base sa nakita sa CCTV sa may bandang likod ng dorm. Tinawagan ako ng isang tao gamit ang cellphone ni Nicole na nasa St. Luke's Hospital daw siya. Nasagasaan daw ng lasing na driver!" Natunganga silang lahat dahil sa nangyari. Reyna pa talaga nadali?
"Jusko! Hindi ko alam kung saan 'yun pero kailangan na natin itong sabihin sa headmistress at puntahan siya!" Sabi ni Dawn. Tumango ang si Rafa at tumakbo papunta sa office ng headmistress. Sumunod naman si Dawn at Lian.
Ginamit ni Rafa at Lian ang super speed nila habang si Dawn ay ang accessory weapon niya. Walang katok-katok na pumasok sila sa office ng headmistress. Napabalikwas ng tayo si Revena at kumunot ang noo.
"Si Nicole po!" Sabi ni Dawn.
"Anong nangyari kay Nicole?" Tanong ni Revena.
"N-na-nasa-" Naputol ang sasabihin ni Dawn dahil kay Rafa. "Nasagasaan ng lasing na driver sa human world." Sabi ni Rafa.

BINABASA MO ANG
Good Meets Bad
FantastikThey're not mafias nor gangsters. They're not lost princesses nor princes. They're not teenagers who will fall in love and have a happy ending. They're not fuck buddies who will fall in love with each other. They're peculiars. They're kings and quee...