Dawn's Point of View
"Dawn, come with me." Hinila ako ni Bruise. Ano bang nangyayari? Naguguluhan na ako! Bakit... Bakit nababalot ang buong lugar ng itim na usok? Atsaka bakit nanghihina ako? Nagpahila na lang ako kay Bruise kasi nanghihina ako at hindi ko na talaga kaya ang katawan ko.
"Bruise, anong nangyayari?!" He did not respond, instead, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Sa sobrang takot ko hindi ko namamalayang lumulutang na pala ako dahil sa 0 gravity na ability ko. Hila-hila pa rin ako ni Bruise papunta sa isang gate na maraming building sa loob at may nakalagay na 'Aveldera High'. Taray, may school din sina Nicole? Dyan kaya siya nag-aral noon?
Ng tumingin ako sa likod ay doon ko lang narealize na malapit na palang mag-end of the world. Char. Dahil wala si Nicole, hindi niya mapipigilan ang pagkasira ng maraming bagay. Napuputol ang mga puno, nasisira na ang mga kotse, nagigiba na ang mga building at tindahan, at nasisira na rin ang daan. Sa sobrang takot ko na madisgrasya kami ni Bruise, pumikit ako at shinare sa kaniya ang power ko na 0 gravity. Nagulat at napatingin si Bruise sa akin.
"Baka madisgrasya tayo." Pagdadahilan ko. Tumakbo kami sa hangin papunta sa Aveldera High. Hanggang sa napunta kami sa rooftop ng isang building.
"Bruise, ang tagal niyo!" Angal ni Sparkle. Nasa rooftop na kami at hindi na lumulutang pero hawak niya pa rin ang kamay. Shemay, pwede bang kiligin?! Naman eh! Magseryoso ka nga, Dawn! Baka may masamang mangyari!
Nagulat ako ng hindi lang si Rafa at ang LOG ang kasama namin sa rooftop, nandito din si Lian. Naka-round neck T-shirt ito na kulay black. Nakapants din siya na black. Meron siyang singsing na ang laki ng bato. I think it's an emerald. Pero beeees, huhu! Napapaligiran ang mga papabol at chix! Haaaay, wala na inggit na ako. Taken na kaya sila? Huhuhu! 'Who you?' kayo sa akin sa akin kapag hindi na ako single!
"Maghanda na kayo, makikipaglaban tayo." Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Lian.
"Pati ikaw, Dawn. Kasali ka kaya huwag kang panghinaan ng loob." Tumango ako sa sinabi ni Lian. Nilapitan niya ako at hinawakan sa kanang balikat gamit ang kanang kamay niya. "Buhay ng bestfriend mo ang nakasalalay dito." Nanlaki ang mata ko.
"Wait, what do you mean na nakasalalay dito ang buhay ni Nicole?" Naguguluhang tanong ko.
"Nagrerebelde ang mga apostles of darkness dahil sa ginawa kong pagpatay kay Elvie. Walang sinasamba ang mga 'yon." Parang tumayo lahat ng balahibo ko sa takot.
"Here," inabot niya sa akin ang singsing niyang may malaking emerald stone. "Dyan nakakulong ang bestfriend mo. Dyan nakakulong si Nicole. Ingatan mo 'yan at itago mo." Dagdag niya. Tumango ako at umalis na.
Nilagay ko sa bra kong 32A ang size ang singsing. Okay na ito 'no! Hindi naman siguro nila titingnan ang bra ko. Hihihi.
"Maghanda na! Paparating na sila. Nararamdaman ko na sila!" Inilabas nilang lahat ang kanilang accessory weapon. Halaaaa! Huhuhu! Ang lame ng accessory weapon ko, nakakahiya! Lame na nga powers and ability ko tapos lame din accessory weapon ko!
"Bakit di mo nilalabas accessory weapon mo?!" Bulong na pasigaw ni Rafa.
"Iiih, nakakahiya!"
"Ilalabas mo 'yan o mamamatay si Nicole?!" Rafa.
"Sabi ko nga ilalabas na." Kinuha ko ang butterfly na hairclip ko at initsa sa ere patalikod saka ako nagkapakpak na parang sa mga fairy sa Heavenly Academy. Mas malaki nga lang. Kulay blue at black ito. Kumikintab din ito kaya magandang tingnan. With this wings, makakalipad ka. Hindi tulad ng 0 gravity ko na lulutang ka lang. Ang fairy wings ko, kahit saan 'yan. Kahit sa langit pa. Oh, pak! Bongga! Tapos pwede din siyang shield. Lumalaki siya lalo kapag marami ang poprotektahan mo. Matulis din ito kaya kahit sinong matamaan ay magkakaroon ng severe injury or worse, maii-slice sila.

BINABASA MO ANG
Good Meets Bad
FantasyThey're not mafias nor gangsters. They're not lost princesses nor princes. They're not teenagers who will fall in love and have a happy ending. They're not fuck buddies who will fall in love with each other. They're peculiars. They're kings and quee...