Lian's Point of View
"Hoy, para kang tineyjer doon sa peys buk ba iyon? Basta 'yun! 'Yung mga tineyjer na maglalaslas kuno dahil lang sa pag-ibig na 'yan!" Umirap ako kay Tanda. Lalong kumunot ang noo ko.
"Basta akala ko, okay na ako. Akala ko nakamove-on na'ko. Pero nung nakita ko siya, she still haven't changed. She's still beautiful as always. I fought the urge of hugging her. Gusto ko pa siyang makasama. I love her. I really love her. But it looks like it is better for us to avoid each other." Naramdaman kong tinapik ng mabagal ni Tanda ang likod ko habang hinihilot ko ang ulo ko.
.
"Huwag ka ngang ano! Mukha kang tangang tineyjer dyan eh!" Sumama ang tingin ko kay Tanda."Eh ikaw? Mas mukha kang tanga! Tanda tanda mo na, nagfe-facebook ka pa! Kailan pa nauso ang facebook sa impyerno?!"
"Hehehe. Sorry na! Oy, nakita ko twitter war ni Paul Salas at Daniel Padilla sa twitter? May twitter ka ba? Follow mo ako ha? Search mo @matandangmen ha? Pafavorite na rin nung latest na tweet ko. Hehe. Search mo sa IG, @gurangnalalaki. Follow mo rin ako tapos heart mo 'yung recent ko! Sa facebook naman Gu Rang. Iheart mo profile pictu-"
"Adik ka ba?" Iritadong tanong ko sa kaniya.
"Hehehe. Oo. Nagtitinder na nga rin ako eh! Daming chix kaso hindi ako hinaheart pabalik. Huhuhu!" Napapoker face na lang ako. Buti pala kahit na siya ang god ay parang magkabarkada ang kami. Ganito rin kaya ang goddess?
"Pero seryoso ito ha? Mas okay na iyang nangyari sa inyo dahil parehas lang kayong mapapahamak. Lagot kayo sa goddess eh." Sabi ni Tanda. Tumango ako at tumayo na.
"Oh, sige aalis na ako." Paalam ko. Kailangan ko pang alagaan si Alohna dahil may lagnat siya. Nagvacation ang dorm mate niya kaya no choice ako.
Nagteleport ako sa Heavenly Academy at dumiretso sa dorm ni Alohna.
Narinig ko ang pag-ubo niya mula sa pintuan. Nasa living room siya na nanonood ng K-Drama. Kahit kailan talaga, mga babae ngayon.
"May lagnat na nga, nagpapagod pa sa TV. Try mo magpahinga. Uso 'yun." Masungit na sabi ko. Hindi niya ako pinansin at hinila ang dulo ng damit ko.
"Ayan na! Omoooo! Shibal saranghae Lee Min Hooooo! Ayan naaa shet! Magkikita na ulit sila huhuhuhuhu! Ganda talaga as ever! Gusto ko rin maging sirena! Kailan kaya ako makakahanap ng Lee Min H-"
"Tumigil ka nga. Hindi bagay sa kutis mo ang maging sirena." Umirap ako at ibalis ang pagkakahila niya sa damit ko. Pumunta ako kusina para ipagluto siya ng soup.
"Manong, ang tagal. Gutom na ako!" Reklamo ni Alohna. Napapoker face ako sa itinawag niya sa akin. Kumuha ako ng mangkok at inilaga doon ang soup at nilagyan na rin ng kutsara. Inilagay ko iyon sa tray at tumungo papunta kay Alohna.
"Kumain ka na." Ako ang magpapakain sa kaniya. Nanghihina pa siya eh. Pero pagdating sa K-Pop at K-Drama, napakalakas ng energy. Sumandok na ako ng soup gamit ang kutsara.
"Ayoko."
"Sabi mo gutom ka na tapos ngayon ayaw mo? Ibuka mo 'yang bibig mo. Kundi ako magbubuka niyang gamit ang labi ko." Nanlaki ang mata niya at namula kaya ngumanga na siya. Isinubo ko naman sa kaniya ang soup.
Cute.
Ng matapos ko siyang pakainin ay binuhat ko siya papuntang kwarto. Bridal style. Ang higpit ng yakap niya sa akin.
"Warm..." Bulong niya at lalong humigit ang yakap niya. Akmang ibababa ko na siya pero humigpit nanaman ang yakap niya.
"Stay... Don't... Don't leave..." Bulong ni Alohna sa mga tenga ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Good Meets Bad
FantasyThey're not mafias nor gangsters. They're not lost princesses nor princes. They're not teenagers who will fall in love and have a happy ending. They're not fuck buddies who will fall in love with each other. They're peculiars. They're kings and quee...