14: Let the Demons Dance

4.4K 106 0
                                        

Third Person's Point of View

"Nasaan ang hari ng mga demonyo?! Nasaan ang disipolo ng kadiliman at pagsira?! Iharap niya siya sa akin, ngayon din!"

Nagsimulang magsitakbuhan ang mga estudyante palabas ng gymnasium. Nag-aagawan na sa elevator ang iba at ang iba naman ay sa hagdan na dumaan.

Sa ganitong sitwasyon, lahat nagiging plastik. Lahat nagiging traydor. Basta mabuhay, iiwan ka nila. Lahat ay nagiging mapakasarili.

Lumaki ang mga mata ni Lian at Nicole ng makita kung ano ang nasa harap nila. Nanindig ang kanilang balahibo sa kilabot at takot.

"Wala dito ang inyong hari! Kaya kung maaari ay umalis na kayo dito!" Sigaw ng headmistress, si Revena.

"Nandito siya! Nararamdaman ko siya! Ibigay niyo lang siya sa amin at aalis na kami!" Nakakatakot at napakalaki ng boses nito. Higanteng demonyo ang nasa gymnasium ngayon habang ang mga LOG ay nasa harap ng higanteng demonyo, nilalabanan ito.

"Umalis ka na dito! Wala dito ang hari niyo!" Sigaw ni Martin sabay bato ng fire ball sa mga mata ng higanteng demonyo. Napayuko ang higanteng demonyo sa sakit ng mata niya.

"Devin, wala siya dito." Alas, Devin pala ang pangalan nitong higanteng demonyong ito.

Niyelo ni Derek ang mga paa ng higanteng demonyo para hindi ito makawala at baka sirain pa ang buong school.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!" Tumili ng sobrang tinis at lakas si Heart at nabasag ang mga salamin at basong mababasagin sa table ng mga pagkain. Lahat ay napatakip sa kanilang tenga. Sobrang sakit ng tenga ng demonyo dahil hindi niya natakpan ang tenga niya.

May lumabas sa mga palad ni Heart na mga nota at pumasok ito sa tenga ni Devin. Ang mga notang iyon ay record ng tili na kagagawa lang ni Heart. Magpeplay iyon sa utak ni Devin hangga't gusto ni Heart. At pwedeng mmatay ang demonyo doon.

Inilabas naman ni Sparkle ang accessory weapon niya na sinturon at naging boomerang na may mga matutulis na tusok-tusok sa gilid. Ibinato iyon ni Sparkle sa pisngi ni Devin at walang nagawa si Devin kundi sumigaw sa sakit. Bumaon ang mga tusok sa kaniyang mukha at tumlo ang dugo sa sahig.

"Why is that demon here?!" Tanong ni Nicole kay Lian.

"Devin... Devin is the leader of the other tribe in the Underneath. Ang tribong iyon ang mga gustong kumampi kay Lucifer pero si Lucifer ay natutulog na ng higit isang milyong taon. 'Yun ay dahil sa pinakaunang hari ng mga demonyo. Siya ang may kagagawan nun. Bali ang tribo nila Devin ay ang masasama talaga at ang mga demonyong gustong magpahirap sa mga tao, sa inyo din. Sa kaharian ko naman ay ang mga demonyong mabait. Alam kong nakakatawa pero oo, mababait ang mga demonyo sa kaharian ko. Our only purpose is to make humans stronger in soul, mind, and heart. While Devin's tribe is to kill me and steal my abilities and powers to wake up Lucifer at 'pag nagising si Lucifer, the whole world will suffer. So please, don't tell anyone about me, about me being the king of all demons and master of darkness and destruction." Nagulat si Nicole dahil hindi niya lubos maisip na may gano'n pala sa Underneath.

Akmang aalis na sana si Nicole pero hinila at pinigilan siya ni Lian sa pingtataguan nila sa may bleachers.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Lian.

"To Devin. I will punish him." Pinigilan ni Lian si Nicole pero hindi niya ito pwedeng sundan dahil mamumukhaan siya ni Devin.

"Hey, you!" Napatingin ang lahat kay Nicole sa sobrang lakas ng boses nito.

"Yes you, you motherf*cking demon! Go to hell or I will tell the God about what you are doing!" Devin smirked.

"Bakit? Isa ka ba sa matataas?" Natatawang tanong ni Devin.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon