Nicole's Point of View
"I'm glad you're... alive!" Sabi sa akin ni Auntie pagkarating namin ng Heavenly Academy. Um, of course? Buhay ako, duh. Kaya nga ceased to exist to resuscitate, di'ba?
"Ako rin, Auntie." Iyan na lang ang sinabi ko dahil wala akong maisip na sabihin. Katabi ko ngayon si Rafa at hawak niya ang kamay ko habang nakaakbay sa akin pero hindi pinapansin ni Auntie. Si Lian naman, nakahoodie lang at nakayuko habang nakatayo.
"You don't know what happen to Heavenly Academy after they knew na namatay ka." Sabi ni Sir Warren.
"Huh? Bakit po?" Tanong ko. Minasahe ni Sir Warren ang sentido niya.
"Nabalot na ng kadiliman ang buong academy. Karamihan sa mga estudyante, hindi na lumalabas at umaattend ng klase. Masyado silang naapektuhan ng malamang wala na ang reyna." Sabi ni Sir Dave.
"P-pero paano ko po ibabalik ang lahat?" Tanong ko. Hindi ko naman talaga kasi alam kung paano eh. Hindi porket reyna ako, alam ko na lahat.
"We don't know either. Maybe when they get to see you." Sagot niya.
"Oo nga pala, may nagpakita po sa akin kanina sa beach resort ni Lyon, isang lalaking may dilaw na buhok. Gwapo tapos malaki ang katawan at matangkad. Tinanong niya po sa akin kung gusto kong malaman ang susunod na propesiya." Sabi ko. I'm just so curious about it kasi malaki ang kutob ko na god din siya. Nakakatakot nga lang kasi bigla na lang siyang sumulpot.
"Don't mind him, he's Lord Apollo. He is the god of prophecy. Tatay ni Sunshine." Sabi ni Auntie.
Third Person's Point of View
"Well done, Rafa." Kemitiva said while clapping slowly in front of a mirror where she can see what is happening right now in Heavenly Academy.
"You did a wonderful job." Pahabol pa nito na parang naririnig siya nito.
Kinuha ni Kemitiva ang basong may red wine sa mesang katabi ng gintong upuan niya at ininom ito.
"This is nice. Everything's under my control." Sabi ni Kemitiva.
"Messenger!" She shouted and a little angel quickly flew towards her.
"Yes, Lord Kemitiva?"
"I want you to call Nicole." Tumango ang angel. Sasabihin lang nito kay Rafa na inapatawag si Nicole at si Rafa na ang bahalang magsabi. May messenger din na pwede makapunta sa Underneath.
Kemitiva smiled.
Samantala, nasabi na ni Rafa kay Nicole na tawag siya ni Kemitiva. Subalit, hindi pa rin maiwasang isipin ni Nicole propesiyang sinasabi ni Apollo. Maaaring kamatayan nanaman ito.
Marami kasing uri ng propesiya at hindi natin alam kung ano ang puwedeng maging propesiya.
Heart's Point of View
Nakatingin lang ako kay Ms. Wizteria habang nakahalumbaba. Naglalakad-lakad ito sa harap naming mga anghel habang may malalim na iniisip. Isa siya sa may matataas na posisyon dito sa Up in Above. At nag-aral daw ito noon sa Heavenly Academy at naging isang myembro ng Legion of Gods sa academy na iyon. Sa paniniwala ko, hindi naman talaga sila mga god. Malalakas lang talaga sila kaysa sa iba.
"Kailangan ko ng magbabantay sa kaniya." Bulong ni Ms Wizteria. Ito ang ayaw ko sa kapangyarihan ko. Ang sound and vibration. Kahit na bulong lang ay rinig na rinig ko.
Napatingin sa akin si Ms. Wizteria kaya pinagpawisan ako. Umiwas ako ng tingin at kinuha ang hair brush ko upang suklayan ang aking buhok.
Lahat sila ay napatingin sa akin ng lapitan ako ni Ms. Wizteria. Nakaiwas pa rin ako ng tingin at nagkukunwaring hindi ko alam na sa akin siya papunta.

BINABASA MO ANG
Good Meets Bad
FantasiaThey're not mafias nor gangsters. They're not lost princesses nor princes. They're not teenagers who will fall in love and have a happy ending. They're not fuck buddies who will fall in love with each other. They're peculiars. They're kings and quee...