Third Person's Point of View
"May sakit daw 'yung headmistress." Sabi ni Johnry kila Lian. Napalingon si Lian mula sa pag-aayos ng buhok.
"Gagaling din 'yun." Sabi naman ni Allan habang naglalaro ng play station.
"Malala daw 'yung sakit eh." Sabi ni Jose habang nilalaro ang mansanas sa kaniya kamay habang nakaupo.
"Anong sakit daw?" Tanong ni Lian.
"Hindi pa daw alam pero sobrang hinang hina na daw ito." Sabi ni Johnry. Tumango na lamang si Lian at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng buhok.
Kagabi pa nakakaramdam ng kaba at takot si Lian. Hindi niya pa rin malaman ang dahilan nito pero sobrang kinakabahan siya na baka may masamang mangyari. Hindi siya nakatulog kagabi dahil dito. Puyat siya pero hindi nakakaramdam ng antok.
"May pupuntahan lang ako." Paalam ni Lian sa mga kasamahan. Hindi tumugon ang mga ito pero walang pake si Lian. Umalis na siya sa dorm at dumiretso sa gubat.
Matapos niya pagteleport papunta sa Underneath ay dumiretso siya agad sa office ng god.
"Hoy, tanda." Sabi ni Lian. Napalingon sa kaniya ang god na nagbabasa ng libro.
"Oh, bakit ka nandito? Wala akong pera." Napapoker dace na lang si Lian sa sinabi nito. Pumunta ito sa mahabang couch at umupo ng nakataas ang isang binti.
"May nararamdaman akong kakaiba. Kinakabahan na natatakot. Napuyat pa ako dahil dito. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko nararamdaman 'to." Sabi ni Lian. Naningkit naman ang mata ng god.
"Baka nga malapit na ang laban ninyo ng mistress." Sabi ng god.
Kahit na matagal-tagal ng nasa pwesto si Lian sa pagiging hari ng mga demonyo at master ng kadilim at pagsira, hindi pa rin magsink-in sa utak nito na makakalaban niya ang reyna ng mga anghel at mistress ng liwanag at paggawa o pag-ayos.
"Kung malapit na, bakit hindi mo ako iniensayo?" Tanong ni Lian para hindi mapansin ang kaniyang kaba at takot.
"Bakit hindi kita iniensayo? Simple lang, naniniwala ako sa kakayahan mo."
Natuwa si Lian sa sinabi sa kaniya ng god. Parang tatay at barkada na niya ito. May naniniwala pala sa kaniyang kakayahan na kahit siya mismo ay hindi naniniwalang kaya niya.
"Salamat, tanda. Kamusta na pala ang Underneath?" Tanong ni Lian.
"Ayos lang naman. Ayun, tulog pa rin si Lucifer." Sabi ng god.
Sa mundo ng Underneath, huwag mong asahang nagkakaisa dito at may pagtutulungan ang lahat. Nakahati ang mga demonyo sa dalawang tribo. Ang isa ay ang mga alalay ni Lian. Hindi mo talaga silang matatawag na demonyo dahil hindi sila masasama. Kung ano ang goal ni Lian, iyon din ang goal nila. Kasi nga di'ba, their goal is to make humans stronamang Ang pangalawa naman tribo ay ang mga aalay ni Lucifer.
Matagal ng natutulog si Lucifer at nakakulong marahil siya at ang kaniyang mga alalay ang totoong masasama. Nagcast lamang ng spell ang dating master at hari laban kay Lucifer at iyon ang tinatawag na 'infinite sleep' kung saan kapag nagamit iyon sa iyo ay ang buong akala mo ay buhay ka pa, iyon pala ay nananaginip ka lang. Hanggang ngayon ay hindi nila alam ang spell para maputol ito.
"Buti na lang hindi iyon nagigising." Sabi ng god. Hindi kasi alam ng mga alagad niya ang spell para bumalik si Lucifer sa dati.
~~~
"Nicole, gutom na ako." Angal ni Rafa kay Nicole habang sinusuot nito ang damit pang-alis pero nakatalikod si Rafa.
"Saglit lang. Ipagluluto kita, okay? Huwag kang atat. Maligo ka na lang muna at kakain tayo then we will go to Auntie." Sabi ni Nicole. Nagpout naman si Rafa at dumiretso sa banyo. Ngumisi lang si Nicole.
BINABASA MO ANG
Good Meets Bad
FantasiThey're not mafias nor gangsters. They're not lost princesses nor princes. They're not teenagers who will fall in love and have a happy ending. They're not fuck buddies who will fall in love with each other. They're peculiars. They're kings and quee...