After Dance Night
Rafa's Point of View
Hope.
Hope? Napakagandang pakinggan ng salitang 'yan eh. Lalo na 'pag ingles. Pero 'pag tagalog, pag-asa.
Pag-asa.
Pag-asa? Sabi nila hindi daw dapat mawalan ng ganon ang mga tao. Kaya 'yung iba, nagiging tanga na. Oo, pagiging positibo lang ang 'pag hindi sumusuko. 'Yung naniniwala kang may pag-asa pa kahit alam mo sa sarili mong wala naman talaga.
Siguro dahil adik na talaga tayo sa pag-asa. Na pati kahit 'yung mga bagay na una pa lang ay alam mong imposible, you always add a little magic to make everyone believe there is a possibility. Possibility na mangyari 'yung gusto mo. Possibility na mangyari ako iniisip mo. Gusto mo, ikaw ang masusunod.
Alam mo kung bakit ka nasasaktan? Because you're so happy you don't even think. Because you assumed. You assumed na may pag-asa.
Nakakatuwa nga eh. Ang buhay kasi, parang tubig. Parang ilog. Parang talon. Sa sobrang saya mo sa ilog ng kaligayahan, hindi mo na napansin na may talon pala. Sobrang saya mo kasi lagi siyang andyan para sa'yo. Sobrang saya mo kasi lagi ka niyang pinapasaya. Sinasabihan ka niya ng mga salitang hinding hindi mo pa narinig, noon pa. 'Yung mga nakakapanibagong salita na sa kanya mo lang narinig at gustong gusto mong mapakinggan ng paulit-ulit.
Pero bakit nga ba may ilog at talon? Imaginin mo na lang na nasa isang bangka ka sa isang ilog. Sobrang saya mo. Ilog ng kaligayahan 'yun. Nakangiti ka. Tumatawa. Oh, di'ba, perfect? Ang saya mo na. Sa sobrang busy mo pagiging masaya, hindi mo napansing may talon pa pala. Talon ng mga taong nasaktan. At once na mahulog ka doon, alam mo nang nag-assume ka lang pala at hindi ka niya talagang mahal.
You're so happy you forget that some things are too good to be true. Nagpatangay ka sa agos ng ilog. Ayun, nahulog ka tuoy.
Ganda ng routine natin, bes ah? Repeat lang ng repeat.
Sabi nga nila, kaya ka matalino kasi tanga ka dati. Hindi naman gano'n kasamang maging tanga kasi may natututunan ka naman. Pero huwag mong gawing routine kasi masasaktan ka lang ng masasaktan.
That is why a question keeps bugging my mind. Mahal mo nga, mahal ka ba?
"Ang galing mo naman kanina. Hiyang hiya ako! Woooh!" Ang sakit. Ang sakit makitang 'yung babaeng mahal mo ay masaya sa iba.
Napagdesisyonan kong sundan sila. Hindi ko alam pero kahit masakit, sinusunod ko pa rin ang sinasabi ng puso at katawan ko. Hindi ko man lang pinapakinggan ang utak ko.
Nakarating na sila ng dorm ni Nicole and shit. This feeling again. I can't stand the pain. I want to run away. I'd die seeing you with him everyday. I'd die knowing what I expect isn't always what is gonna happen. Akala ko kasi akin na siya. Akala ko okay na ang lahat. Akala ko siya na talaga. Pero akala lang pala. Isa akong tanga.
Pero kahit na gano'n, it does not mean I should give up on being her guardian. It does not mean I'm going to give up on her. It does not mean I'm going to stop courting her. Anyway, I always liked competitions.
After what I saw kanina sa likod bleachers is one hell of a good scene if it was a movie. At sa opposite pa talaga siya nainlove. Opposite pa talaga ang pinili niya. But I will just allow it to keep her happy. But I will make her happier and she will choose me in the end.
Masakit, oo, masakit, pero wala sa diksyonaryo ko ang pagsuko.
Before Nicole's Battle with a LOG member
Nicole's Point of View
I was walking down the hallway alone. Konti lang ang estudyante sa hallway kahit lunch. Nakachill lang akong naglalakad ng may humila sa akin. Nagpahila lang ako kasi kilala ko naman na kung sino. Amoy pa lang.
BINABASA MO ANG
Good Meets Bad
FantasíaThey're not mafias nor gangsters. They're not lost princesses nor princes. They're not teenagers who will fall in love and have a happy ending. They're not fuck buddies who will fall in love with each other. They're peculiars. They're kings and quee...
