31: Beauty and a Beat

3.2K 64 0
                                        

Dawn's Point of View

Nakakamiss.

Una, 'yung traydor kong kaibigan na si Elvie.

Ngayon, si Nicole naman ang namatay.

Ganito ba talaga dapat? Ang hirap. Ang sakit. Kasi sila 'yung nasasandalan ko palagi pero ngayon, wala na.

Si Nicole na nga lang natira kong kaibigan, kinuha pa sa akin.

Malas ba ako? O sadyang masamang kaibigan lang ako? Bakit lagi akong nawawalan ng mga taong importante sa buhay ko?

Siguro nga, dapat idaan ko na lang ito sa ngiti at tawa.

"Hey." Napalingon ako kay Bruise na naka-eyeglasses at nakaakbay sa akin. Sanay naman na kaming ganito. Tsaka hindi naman na niya nililigawan si Nicole. Tch. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"You look beautiful kapag naka-bun ka." O...kay? Why so random?

"Uh, thanks?" Ngumiti siya sa akin at hinawi 'yung mga baby bangs na humaharang sa paningin ko.

"She'll be back, soon." Sabi niya. Oo nga pala, 'yung prophecy na ceased to exist to resuscitate na sinabi ni Lian. Bakit kaya hindi ko naisipan dati na pumunta doon para malaman ang nakalaan na prophecy sa akin? Siguro dahil malayo ito. Nasa land pa kasi ito ng water creatures kung saan sa ilalim ng dagat ay may lupa na wala nang tubig at makakahinga ka.

"But when?" Tanong ko. Inangat niya ang mga balikat niya para sabihin hindi niya alam.

Napabuntong hininga ako ng biglang may kumatok sa dorm. Tumayo ako since busy pa rin sila kakanood. Since wala na si Nicole, puro TV na lang kami. ni hindi nila ginagamit ang mga pegasus nila o kaya naggagala-gala. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Rafa at Lian. Pumameywang ako at tinaasan sila ng kaliwa kong kilay.

"What brings you here?" Tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa at tumango lang si Lian atsaka lumingon si Rafa sa akin.

"May sasabihin kami sa inyo." Sabi ni Rafa pero sa seryosong tono. Naging awkward ang atmosphere kaya binuka ko lalo ang pintuan para makapasok sila pero nakafocus pa rin ang LOG sa panonood.

"May idea na kami kung paano mahahahanap si Nicole. Si Lian nakaisip." Napatingin naman kaming lahat kay Lian habang  nakaturo si Rafa sa kaniya.

~~~

Umupo kami sa dining table. Sakto dahil may mga extra kaming upuan. Para kaming nasa meeting sa isang kumpanya at pinag-uusapan ang sales at product namin. Haha.

"So ano nga naisip niyo? Kasi kating-kati na akong hanapin si Nicole dahil sa prophecy." Pamamasag ni Heart ng katahimikan. Nagfake cough si Lian bago magsalita.

"Kasi di'ba, nireincarnate siya. So it means nasa human world siya pero iba na ang pangalan at pamilya niya. Baka nga mag-isa lang siya. Marereincarnate siya pero ibang iba na ang ugali niya, kung paano siya mag-ayos, at kung anu-ano pa. So ang idea ko is magpaalam tayo sa headmistress. We'll go to the human world pero magdidisguise. Light make-up lang. Sa pagkaka-reincarnate sa kaniya, hindi niya tayo maaalala. But I know one way-" Naputol ang sinabi ni Lian ng sabihin ni Rafa ang "Hep!"

Napatingin nan kami kay Rafa ng nakasimangot.

"Bakit hindi ko alam 'yang one way na 'yan?" Sabi ni Rafa. Binatukan ko naman siya dahil katabi ko siya.

"Please continue." Sabi ni Derek. Tumango lang si Lian.

"That one way is her guardian's kiss." Lahat kami nanlaki ang mata and said,

"ANO?!" In chorus except kay Lian.

"Hahalikan ko siya? Ano bang meron sa kiss?" Tanong ni Rafa.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon