44: Need

2.6K 55 0
                                        

a couple of years later...

Lian's Point of View

Narinig ko ang pagbukas at marahang pagsara ng pinto sa condo ko. Narinig ko rin ang pamilyar na takong. Naamoy ko ang pamilyar na amoy. Inalis niya ang comforter na nakatakip sa katawan kong nakadapa. Sigurado akong nagulat siya ng lumantad sa kaniya ang topless kong katawan.

Nagtulug-tulugan pa rin ako at hindi inintindi ang pagyugyog niya. Ayokong pumasok, nakakapagod na magtrabaho. Gusto kong maging bata ulit.

"Lian, babe, gising na." Panggigising niya sa akin. It really makes me cringe when she calls me that nickname. I really don't like it.

"Babe, wake up." Umungol ako habang nagiistretch sa kama. Bumangon ako at nakita siya na nakaupo sa kama dala ang isang paper bag sa McDo.

"Alexna, I don't want to go to work." Malamig kong sabi. Ewan ko. Simula ng mawala si Nicole ay nag-iba na daw ako. Talaga ba? I'm just... really that cold.

"Stop that nonsense, Lian. Tumayo ka na diyan. Kainin mo ang dala ko at maligo ka na. Aayusin ko muna ang kwarto mo." Sabi niya at tinulak ako papalabas ng kwarto. Binuksan ko naman ang paperbag at kinain ang pancakes ng mabilis.

"Nasaan si Nicole?" Tanong ko kay Alexna. I heard her let out a heavy sigh.

"Hindi ko alam." Sagot niya.

"Bakit hindi mo pa rin ako hinihiwalayan kahit alam mong hindi kita mahal?" Tanong ko.

"Kasi naniniwala akong matututunan mo rin akong mahalin." Sagot niya. Napaisip ako. Sa loob ilang taon, wala akong naramdamang pagmamahal para sa kaniya. Siguro meron pero bilang kaibigan lang.

Hindi ko kasi maibigay sa kaniya ang kung anong gusto niya. Ayaw kong ipagpilitan ang sarili ko sa taong hindi ko gusto, sa taong hindi ko mahal. Ayaw kong magpaasa pero siya 'yung pumilit.

"Tapos ka na ba, babe? Dalian mo. Kailangan na nating pumunta sa White." 'Yan nanaman 'yung 'babe' na 'yan.

Hindi ko na siya sinagot. Dumiretso ako sa banyo at naligo na. Hindi nagtagal ay natapos na akong maligo. Niready na ni Alexna ang susuotin ko for work. Paniguradong kitchen na ang inaayos nun.

Sinuot ko na ang susuotin ko ng bigla akong maout of balance habang sinusuot ang pants ko. May nahulog na itim na notebook mula sa bag ko pero tinapos ko muna ang pagbibihis bago pulutin 'yun.

Pagkatapos kong magbihis ay pinulot ko ang itim na notebook. Ah, 'yung notebook kong sinulatan ko ng mga tula. Ever since umalis ng walang paalam si Nicole, sa pagsusulat ng tula ko binubuhos lahat ng galit, pag-aalala, pagmamahal, kalungkutan, at tampo ko. Itinabi ko sa bag ko ang itim na notebook at dinala na ang bag ko papalabas ng kwarto.

"Tapos ka na? Let's go!" Sabi ni Alexna at pinatay ang TV. Inalis din niya ang pagkakatali ng buhok niya at kinuha ang kaniyang bag. She's more of a personal assistant to me than a girlfriend.

Bumaba na kami at dumiretso sa parking lot. Hindi kami nagkikibuan hanggang makasakay kami ng kotse ko.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa White. Pagpasok ko ay binati ako ng mga tauhan ko. Ni ngiti o kaya pagtaas ng kilay ay hindi ko ginawa. Hindi ko sila pinansin.

Ang White ay ang nangungunang clothing line sa Top Fashion Choices ng Philippines. Ang nanay ko ang nagpatayo ng clothing line na ito kaya naman inalagaan ko ang kumpanya niya at mas lalong pinaunlad. Ang White ay hindi lang basta for adults. It is also for teenagers and kids. Karamihan sa White ay mga puting elegante na damit pero nagbebenta pa rin naman kami ng hindi kulay puti.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon