46: She Answered

2.3K 48 4
                                        

Lian's Point of View

It's friday at hindi ako pumasok. Sinabi ko na kay Alexna na masama ang pakiramdam ko kahit hindi. Kinuha ko ang phone ko at nagback read sa conversation namin kagabi ni Nicole. I still can't believe she answered my texts. Even if her reply was just a single word, it made me smile and made my heart jump.

Dinial ko ang phone number ni Wilma. Pagkalipas ng ilang ring ay sinagot niya ito.

[Yes, sir?]

"Uh, Wilma, Alexna's on her way there. Hindi ko alam ang gagawin niya dyan but I want you to update me because I won't be going to work."

[Is that all, sir?]

"Yes. And please, tell them to get ready tomorrow. Kailangan nating magmukhang presentable. Pupunta si Ms. Whitefox dito. She'll go at my office at 3 PM."

[Okay, sir.]

Inend ko na ang phone call at bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Nagpunta ako sa CR at naligo.

Pagkatapos ko maligo, tinext ko ang mga kaibigan ko nubg college para yayain sa condo ko. Madami-dami rin sila. Merong may lahing american, french, spanish, at meron ding filipino talaga. Nagkaroon lang ako ng feeling na gusto kong uminom. Ilang minuto ay nagsipayag sila na pumunta. Pinabili ko na rin sila ng beer at makakain.

Hays.

There's something pushing me to check my phone if she answered yet but I chose to refuse checking it and just went to the living room to watch TV.

Ilang minuto na akong nanonood ng TV pero wala akong maintindihan sa pinapanood ko. Siguro dahil may iba akong iniisip o pangit lang talaga ang palabas.

Third Person's Point of View

"Where them balls at?!" Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kaibigan ni Lian ng sayawan siya ng isa niya ring kaibigang babae nung college days niya. Pinagtatawanan siya nito dahil hindi man lang niya hipuan o bastusin ang kaibigan niyang babae. Crush daw siya nito noon, ewan ko na lang ngayon. Inaasar lang naman nila si Lian dahil hindi nito patulan si Shirley may lahi itong espanyol. Kulot ang buhok aat mapupungay ang mata niya. Siya ang pinaka-agaw pansin tuwing dumadaan siya dahil kahit morena ito, hindi mo maipagkakailang maganda siya.

Gabi na at parang walang balak ang mga kaibigan niyang umuwi.

Yumuko si Lian habang umiiling at natatawa sa mga kabaliwang ginagawa ng mga kaibigan niya.

"Shirley, tama na." Sabi ni Lian sa babaeng sinasayawan siya. Natatawa namang tumigil si Shirley at umupo sa sofa kasama ang iba pang babae.

Mukhang malakas na ang tama ni Lian dahil sa dami ng alak na nainom niya. Pati ang iba niyang kaibigan ay ganoon rin. Konti lang ang hindi pa tinatablan ng alak. Halos hindi na alam ni Lian kung anu-anong pinagsasasabi at pinaggagagawa niya.

Biglang napawi ang tawanan ng mga kaibigan ni Lian ng mapansin nilang tumahimik na si Lian at tinatakpan ang mga mata nito. Hindi niya napigilang umiyak sa dami ng iniisip. Hanggang ngayon ay hindi masagot-sagot ang mga tanong niya. Tila ba ay pinagdamutan siya ng sagot sa isang test na napakahirap sagutin. Na kahit iba ay hindi masagutan.

Dinaluhan nila si Lian dahil alam na nila ang dahilan. Kilala nila si Nicole, ang babaeng mahal ni Lian. Halos araw-araw niya itong ikwento sa kanila noong college days nila. Kung paano niya ito nakilala hanggang sa mawala ito ng walang paalam. Pero syempre, hindi niya sinabi ang mga bagay na may kinalaman sa pagkatao nila.

"Bakit?" Tanong ni Erick kay Lian. Si Erick ang pinakamaalalahanin sa barkada nila. Lian let out a heavy sigh as he looks at his friends that are sincerely there, beside him, for him.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon