EPILOGUE

2.2K 33 2
                                        

Third Person's Point of View

"Condolence sa family niyo, Leo, Lea." Sabi ni Maria, isang dalagang kayang maging sirena at kayang maging tao. Makikita sa mga mata ng dalaga ang sinseridad sa kambal. Matagal na itong kaibigan ni Leo at Lea sa kadahilanang si Maria ang una nilang nakilala sa Historía University.

"Salamat, Maria. Salamat na rin sa pagdalo dito sa bahay namin kahit malayo sa school natin. Marami pa naman tayong performance task sa school pero nag-abala ka pang pumunta dito." Sabi ni Leo. Tahimik lamang na nakikinig si Lea, ayaw niyang kumibo at makipag-usap. Hindi pa lubos na nagsisink in sa kaniya ang nangyari.

Hinawakan ni Maria ang balikat ni Lea ngunit wala pa rin itong kibo. Niyakap ng dalaga si Lea at doon lumabas ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Niyakap niya pabalik si Maria ng mahigpit habang umiiyak.

"Shh, magiging okay din ng lahat, Lea. Nandito lang ako palagi para sa inyo." Sambit ni Maria. Tumango-tango na lang si Lea.

"Mga anak," Napalingon ang tatlong menor de edad ng makarinig ng malalim at medyo matandang boses. Doon nila nakita si Sir Warren at Sir Dave, "nakikiramay kami sa pagkamatay ng inyong magulang."

Kalmadong hinarap ni Leo ang dalawang nakakatanda atsaka sumunod si Lea na namumugto pa ang mga mata. Naiwan naman si Maria sa kinauupuan kanina ni Lea habang pinapanood lamang ang apat.

"Ninong," sambit ni Leo, "gusto kong paimbestigahan ang pagkamatay ni Mommy at Daddy." Tumahimik ang paligid ng sabihin iyon ni Leo. Kalmado at malalamig ang mata ni Sir Warren, Sir Dave, at Leo. Tila ba'y silang tatlo ay may tinatago sa likod ng mga matang iyon.

"Kung ayaw ninyong tumigil kami sa pag-aaral para maimbestigahan ang pagkamatay nila, gumawa kayo ng paraan." Sabi ni Leo. Pinunasan ni Lea ang mga konti pang luhang lumalabas sa mga mata niyo at tumango.

"Gusto ko ng h-hustisya para kay Mommy at Daddy, Ninong." Utal-utal na sabi ni Lea. Bumuntong huminga si Warren na tila ba'y hindi matiis ang sakit na pinagdadaanan ni Leo at Lea sa pagkamatay ni Lian at Nicole.

"Sige, pero may kondisyon." Sabi ni Warren.

"Kami na ang magsusustento sa inyo. Hahayaan kong kayo ang mamahala sa bahay na binili ng ama niyo pero kami na ng Ninong Dave niyo ang magsusustento sa inyo." Sabi ni Warren.

"Bibigyan rin namin kayo ng misyon, hindi ngayon pero..." Ani Dave.

"Pero?"

"Basta." Sagot ni Dave. Tumingin ito sa malayo kaya nagdududang tiningnan siya ni Leo at Lea.

"Iyon lang ba ang mga kondisyon?" Tanong ni Leo kay Warren. Kalmado pa rin ang kapaligiran. Tumigil na sa pag-iyak si Lea.

"Oo." Sagot ni Warren. Sa wakas ay tinignan na ni Dave ang kambal ng diretso.

Hindi alam ni Leo kung makakabuti ba sa kanilang dalawa ni Lea kung sasama sila kay Warren, lalong lalo na si Lea dahil babae ito. Ito na lamang ang natitirang babae sa mundo na mahal niya kaya desidido siyang alagaan at protektahan ito.

Ayaw na ayaw rin ni Leo na tumatanggap ng tulong mula sa ibang tao. Tingin kasi niya sa sarili niya ay independeng tao na siya kahit na labing limang taong gulang pa lamang siya. Bakit naman hindi di'ba? Pinanganak sila ng mistress of light at queen of all angels. Tatay nila ang master of darkness at king of all demons.

Nagkatinginan si Leo at Lea. Sabay silang tumango at naghawakan ng kamay.

"Kung ganoon ay payag na kami." Sambit ni Lea. Napangiti si Warren at naglabas ng dalawang makalumang phones. Kulay itim ito pareho. Maraming pindutan kaya malilito ka kung anong pipindutin mo. meron din itong antena at maliit na screen.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon