43: Leave

2.5K 50 4
                                        

Dawn's Point of View

"Nagiging macho ka lalo, Bruise." Sabi ni Anika. Konti na lang, sasabog na ako. Napatigil sa pagkain si Bruise.

"Ah, thanks." Sabi ni Bruise at tinuloy ang pagkain. Kain lang ako ng kain havang pinapakinggan ang kwentuhan nilang dalawa.

"Nakakainggit naman 'yung kasama mo. Ang cute at sexy." Sabi ni Anika. Inirapan ko lang siya dahil halata naman sa tono ng boses niya na pinaplastik lang niya ako.

"Cute at sexy ka rin naman ah?" Bigla akong nanggigil. Naninigas na ako sa posisyon ko kaya napatayo ako. Nabasag ko pa ang baso na may mango shake pero hindi ko man lang ito tiningnan. Wala akong naramdaman na kaba at takot.

"CR." Malamig kong sabi at nagpunta sa CR ng restaurant. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nagpowder ulit. Naglagay ako ng konting lip tint at ng matuyo ito, pinatungan ko ng lip balm. Ginulo ko ng konti ang buhok ko at tinaas pa 'yung suot kong top tapos binaba 'yung pagka-off shoulders niya.

Cute naman ako ah? Maganda ako. May boobs rin ako. Malaki-laki naman pwet ko. Anong meron sa Anika na 'yun at nadivert sa bruhang iyon ang atensyon ni Bruise? Naiinis talaga ako!

Lumabas na ako ng CR at nakitang nakatayo na si Bruise pero nakakapit pa rin si Anika sa braso ni Bruise na dahilan para hindi siya makaalis. Naglakad ako patungo sa table namin.

"Pwede ba akong sumama sa inyo?" Sabi ni Anika.

"Sorry, but-"

"Yeah, of course." Cool kong sabi. That's right, Dawn. Be friendly. Chill and relax. You have no right to get jealous.

"Yay!" Excited na sabi ni Anika. Nagyaya pa siya sa Joy World kaya pumunta kami doon. Pumila na kami at bumili ng tokens Nilabas ni Anika ang wallet niyang mukhang bago.

"Keep your wallet. Not gonna let a girl pay for me." Sabi ni Bruise at naglabas ng P1000 sa wallet niya. Ng matanggap na ang change ay hinila ni Anika si Bruise papunta sa isang booth na may malalaking stuff toy. Isa lang ang pink na teddy bear na may ribbon sa ulo at naka dress. May nakasulat pa sa damit niya na 'Angela'. Wow ha? Pangalan ko. Haha. Ang cute namaaan! Gusto ko nun!

"Bruise, can you get the pink one for me? Gustong gusto ko talaga nun eh!" Sabi ni Anika. Tumahimik na lang ako sa likod nila at pinanood silang dalawa.

"I'll try." Sabi ni Bruise. "Dawn, which one you want?" Tanong sa akin ni Bruise.

"Are you stupid? Papipiliin mo ako diyan kung puro panda na lang ang natira?" Masungit kong sabi. 'Yung pink sana gusto ko eh. Hays.

Tumalikod na si Bruise at sinubukang kunin ang pink na teddy bear. 'Yung kay Anika talaga 'yung inuna? Siya ba 'yung nililigawan? Siya ba 'yung girlfriend? Tangina.

"Go Bruise!" Pachecheer ni Anika kay Bruise. And for the third try, nakuha niya 'yung pink na teddy bear. Edi siya na.

Nilabas ko ang cellphone ko para itext si Rafa na sunduin na ako. Sawang sawa na ako sa atmosphere dito. Ayoko na dito. Maraming malalandi.

Inangat ko ang ulo ko ng maramdaman ang presence ni Bruise sa harap ko holding the pink teddy bear. Hinanap ko si Anika pero nandoon pa rin siya sa booth na nakasimangot.

"Nandoon si Anika." Malamig kong sabi. Itinuon ko ang atensyon ko sa cellphone ko at binasa ang text ni Rafa. Sakto daw kasi kakagaling lang niya ng gym. Malapit lang kasi 'yung gym na pinagwowork out-an niya sa mall na ito.

Tumayo na ako at pumunta sa escalator. Sinundan naman ako ni Bruise habang hawak niya ang malaking pink na teddy bear. Pinagtitinginan tuloy kami.

"Dawn." Tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Pumunta ako sa exit ng mall at pumunta sa parking lot para hanapin ang kotse ni Rafa.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon