21: Human World

3.3K 74 1
                                        

Nicole's Point of View

"Gising naaaaaa!" Nagulat na lang ako ng marinig ko ang boses ni Izzy. Umayos ako ng upo at laking gulat ulit namin ng may magbukas ng pinto ng kotse.

"Bakit ka nandito?"

"Sino ka?"

"Who the hell are you?"

"Go away, you bastard."

"Baka naligaw."

"Rafa, anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko. Ngumisi siya.

"I'm your guardian. I'm supposed to be watching and protecting you." Oo nga pala. 'Yung fairies namin may sariling mundo ah.

Narinig kong mag "tss" si Bruise. Nakasimpleng T-shirt na brown si Rafa at faded pants.

"Ano pang hinihintay ninyo? Nandito na kayo sa hotel na pag-iistay-an ninyo. Bumaba na kayo." Sabi ni Rafa. Bumaba naman kami at tiningnan ang hotel na mataas sa harap namin. Shit talaga, bakit dito pa?!

Kinuha ni Rafa ang gamit ko at gamit niya. Siya ang nagbitbit ng gamit ko habang papasok.

"Uy parang kilala ko 'yun."

"Oo nga eh. Kamukha niya si Nicole."

"Hayaan mo na baka kamukha lang talaga."

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Bawal nilang malaman baka magyaya sila kung saan-saan!

"Aveldera Hotel?" Nanlaki ang mata ko at ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa elevator.

"Sa inyo itong hotel, Nicole?" Tanong ni Derek.

"Ah, eh, kasi, ano, um, oo." Nagsitalon sila habang papunta kaming elevator. Nakayuko lang ako magdamag.

"Bukas pa naman start ng mission natin, igala mo muna kami sa human world!" Sabi ni Sparkle habang nasa elevator.

"Ay-"

"TARA SIGE, THAT'S A GOOD IDEA!" Oh, no. Ayokong lumabas.

"Dali na, Nicole!" Pamimilit ni Martin habang nakahawak sa kamay ko.

"Oy, walang ganyanan." Tinapik ni Rafa ang kamay ni Martin kaya inalis niya ito. Wala naman akong magagawa kaya umoo na lang ako. Makulit sila eh.

Doon kami sa pinakamataas na floor kung saan amin lang 'yung buong floor. Para siyang bahay at hindi hotel. Nakapunta na ako dito dati pero mas gumanda ngayon. Inilagay na namin ang kanya-kanyang maletta sa kwarto. Share kami ni Rafa, share si Bruise at Heart, share si Martin at Sparkle, kay Derek naman wala. Hahaha.

Magkano kaya ibinayad dito? Ang pagkakaalala ko ay P180,000 dito eh.

"Tara na, tara na!" Sabi ni Martin.

"Teka lang, magreretouch ako saglit!" Sabi ni Sparkle.

Nagce-cellphone si Heart habang naka-earphones. Si Bruise naman ay nagbabasa, as always. Si Rafa ay nasa kusina. Si Derek nanonood ng TV. Habang ako, naglalakad-lakad paikot.

"Okay, ready na ako. Let's go." Umalis na kami ng hotel at unang pumunta sa mall. Pumunta kami sa timezone kaya pinagtitinginan kami ng mga tao dahil kay Heart, Bruise, at Sparkle. Mukha kasi silang bata. Hindi pa nila alam gamitin 'yung ibang bagay dito.

Busy si Sparkle at Martin sa bowling area. Si Bruise at Heart, nakatunganga doon sa photo booth. Si Derek, kumakain. Kami naman ni Rafa nasa may basketball. Busy kaming naglalaro ng may humila sa damit kong batang lalaki. Ang cute niya!

"Ate, ate, ano pong name mo?" Tanong ng batang lalaki.

"Nicole. Ikaw, baby? Anong name mo?" Tanong ko. Napatingin si Rafa sa batang lalaki.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon