48: Deserve

2.4K 52 2
                                    

This chapter is dedicated to the only one @imarlaxy

Dawn's Point of View

"AAAAAHHHHHH!"

Tumili ako ng may makitang branch na ng Fashion Science sa Jem Sisters District. Kumaripas ako ng takbo papasok sa store at nakitang marami ng tao. Hindi ko talaga maipagkakaila na naakaganda ng benta nila dito. Napakagaling ng designer. At sino ang designer? The only one Cassandraline Brex Whitefox! Waaaaah!

Sinundan lang ako ni Bruise ng hawakan niya ang kamay ko kaya bumagal ang takbo ko. Bakit kasi nagwowork out 'to? Ang higpit ng hawak sa kamay ko eh. Psh!

Pero syempreee, kahit na matagal na matagal ko ng hinihintay na magtayo ng Fashion Science sa kahit anong branch nationwide, support ko pa rin naman ang White na si Lian lang naman ang CEO! Waaaaaah! Sana magmodel ako sa White! Hehehehe. Charot lang!

Sa harap ng store ay may nakalagay na standee ng sikat na model ng Fashion Science. The first ever filipina model ng Fashion Science, Kathryn Bernardo!!!! Idol na idol ko din siya dahil bukod sa maganda at talented siya, may mabuti din siyang puso. Meron pang nakalagay na parang harang at nakalagay 'Grand Opening'. Tiningnan ko ang isa pang standee na may mukha ulit ni Kathryn Bernardo pero iba na ang suot. OMG! Sale hanggang bukas! Waaaaah! I need to buy! Noon kasi, nage-effort pa akong samahan ni Bruise sa Paris para lang mamili sa Fashion Science. Minsan naman nag-oonline shopping na lang kahit mahal ang shipping.

"Baby, bilihan mo akooo!" Pagpapacute ko kay Bruise. Ngumisi siya sa akin at hinawakan ako sa bewang.

"Pasalamat ka, business man na ang boyfriend mo ngayon at mayaman na." Sabi niya. Sus.

"Kahit naman nung nag-aaral pa lang tayo, mayaman ka na!" Sabi ko at hinampas ang biceps niyang matigas. Emegesh. "Don't me!" Dagdag ko.

Ilang oras din kaming nandoon at hinihintay lang niya ako habang namimili ng mga damit. Hindi ko ns pinansin ang mga tao sa paligid ko basta mabili ko ang bago nilang collection na Doctor Black. Black daw ito dahil nilaunch ito nung halloween. Black din ang mga damit at mukhang elegante.

Pumila na kami ni Bruise sa counter ng mamukhaan ko ang nasa counter. Lalaki na matangkad at malaking katawan. Hindi ko kasi siya makita ng maayos sa dami ng tao. Ng turn na namin ni Bruise ay halos tumili ako.

"AHHHHHH! RAFAAAA!" Tili ko habang tumatalon-talon. Nung una ay nagulat siya pero nakapokerface na siya habang pinapanood ako. Pinagtitinginan na rin ako ng ibang tao.

"Sorry! Hehehe." Sabi ko habang nakapeace sign sa mga iba pang customers. Bumaling ulit ako kay Rafa.

"Hindi mo sinabing uuwi ka!" Sabi ko. Iniiscan na niya ang mga pinamili namin ni Bruise.

"Sandali lang naman kasi kami dito." Sagot niya. Tumango-tango na lang ako at humilig kay Bruise.

"Sabi na nga ba, magkakatuluyan kayo eh. Tss. Padeny-deny ka pa kasi nung nandito pa ako." Sabi ni Rafa. Aba, siya ba ako?! Crush niya ba si Bruise! Gigil niya ako ah!

Hinaplos ni Bruise ang buhok ko at hinalikan ako sa noo. Ganoon lagi ang ginagawa niya kapag nababasa niya 'yung isip ko at naiinis ako o kaya inapakita ko mismong naiinis ako. 'Yung ang ginagawa niya para maging good mood ulit ako.

"Alis na nga kayo dito! Bawal langgamin dito!" Sabi ni Rafa. "Text ko na lang sina Papa or ikaw kapag pupunta ako sa bahay." Dagdag niya.

"Oki! Byeee!" Sabi ko at kinuha na ni Bruise ang mga lalagyan ng binili namin. Kulay matte black ito at kulay gold na ang logo ng Fashion Science sa bag. Lagi kasing nag-iiba ang design ng mga bag sa Fashion Science. Nababase ito minsan sa season o kaya sa theme ng bagong collection.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon