39: 666,000,000,000

2.9K 64 0
                                    

[A/N: 'Yung sa kwintas ni Nicole na palaging nasa kaniya: if hindi niyo maalala; you can go back to chapter 1.]

Third Person's Point of View

Hindi na nag-alangan si Nicole na kunin ang isang weapon na twin guns. Bawat gun ay mayroong unlimited na bala. Kulay matte black ito. Kahit na babae siya ay alam niya kung paano iassemble ang iba't ibang uri ng gun. She also went to a shooting range dati dahil may mga kabarkada siya noon sa dati niyang school na palaging pumupunta sa shooting range, isa sa kanila ang anak ng may-ari ng shooting range na pinupuntahan nila.

Si Rafa naman ay kumuha ng dalawang baril. Mayroon din itong unlimited na bala. Ang pinagkaiba lang nito ay nagdedetect ito ng location ng mga malapit na demon.

Si Dawn naman ay kumuha ng bow and arrows. Sobrang tulis ng pana nito kung alam mo lang. Kahit na marahan mong itutok ang iyong mga daliri sa pana ay dudugo ito ng dudugo.

Si Sparkle naman ay kumuha ng isang boots na kulay pink. Akala mo normal lang siya pero kapag tumalon ka, ililipad ng mga ito. May iba pa itong kakayahan na kapag sumipa ka, magiging isang dosenang beses mas malakas pa ako sipa ng boots.

Si Bruise naman ay kumuha ng isang potion. Ang potion na ito ay espesyal dahil kapag ininom mo ito, magkakaroon ka ng super strength pero limited ang paggamit. Meron itong kasamang relo na siyempre ay dapat suotin. Kaya ng relo magdetect ng demons.

Si Heart naman ay kumuha ng isang microphone na kulay purple at may glitters tapos may isang kulang pink na gem. Akala mo isang normal na microphone lang ito pero kapag pinindot mo ang gem ay magiging espada ito. Hindi siya katulad ng ibang espada. The sword is made of lazer. At kapag ginamit mo ito kahit kanino, you can easily kill her or him dahil gawa ito sa lazer. Maiislice agad siya.

Si Martin naman ay kumuha ng isang shield at espada. Halatang mamahalin ang mga ito. Sobrang linis pa. Matulis ang espada at malaki ang shield.

Si Derek naman ay kumuha ng isang pack ng candy. Akala mo normal na candy lang pero kapag binato mo ito ay sasabog ito.

Nicole's Point of View

Ano ba kasing ibig sabihin nung nakita ko sa isip ko?

Sinuot ko ang necklace na nasa kamay ko tsaka ko tinali ng ponytail ang buhok ko. Lumapit sa akin si Dawn at tiningnan ang kwintas ko. She looked at me and smiled.

"I know that necklace." Sambit nito. Kumunot ang noo ko.

"Let's go!" Sigaw ni Sir Warren kaya hindi ko na naitanong kay Dawn kung anong alam niya sa kwintas ko. Nauna kasi siya at nasa pinakahuli ako.

Nagpahuli ako because I need air. I need space. This is making me tired. Nasasakal na ako. Ang daming bumabagabag sa aking isip. Ang dami kong tanong sa isip na hanggang ngayon ay hindi pa mabigyan ng sagot. Bakit ba ito pinagdadamutan ng sagot? Hindi ko na kaya lahat ng nangyayari pero kailangan kong maging malakas at magpakatatag.

Tinabihan ako ni Rafa at inakbayan ako. Humalukipkip lang ako at yumuko. Kahit na hindi ko siya tingnan ay alam kong nakatitig siya sa akin and I'm starting to feel uncomfortable. Inalis na niya kamay niya sa balikat ko tsaka niya ibinulsa ang mga kamay habang naglalakad kami.

"Alam kong nakakapagod na, nakakasakal na, nakakawala na ng pag-asa. Pero don't let it make you give up. You are the source of hope of your people, my queen." Sabi nito ng pormal atsaka nauna na.

We're taking the dark and long hallway. Hindi ko alam kung saan na kami pupunta pero sumusunod lang ako. Nag-aalala na ako ng sobra sa mga peculiars na nasa evacuation area. I hope they're safe.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon