Third Person's Point of View
"Gusto mo naman." Sabi ni Lian. Umirap si Nicole at tumayo.
"Punta lang ako sa comfort room." Sabi ni Nicole. Tumango lang si Lian kaya pumunta na siya ng comfort room.
Iniisip kasi ni Nicole, ano nga ba talaga ang nararamdaman niya?
Biglang nagulat si Nicole ng may mabangga siyang lalaking matanda. Naggasp siya at napatakip ng bibig.
"Sorry po!" Sabi nito. Pero sa halip na hindi ito pansinin ay tinapik siya niyo sa balikat na siyang ikinagulat ni Nicole.
"Mukhang malalim iniisip mo ah?" Sabi ng matanda kay Nicole.
"Paano niyo po nasabi?" Tanong ni Nicole. Ngumiti lang ang matanda at ipinakita ang mata niyang kulay pink.
"Eros?" Bulong ni Nicole.
"Yup, that's me. At kung ano man iyang iniisip mo, lagi mong tatandaan na sundin mo ang isnisigaw ng puso mo. Lagi mong sundin ang kung anong makakapagpasaya sa iyo." Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Nicole na nasa human world si Eros, and tatay ni Wayne. Anong ginagawa niya dito? Kasama niya kaya si Psyche?
Umalis na ang matanda kaya tumuloy na si Nicole sa rest room. Pagkapasok niya ay inilock niya agad ang rest room at tumingin sa repleksyon niya sa salamin.
Biglang nagplay ulit ang sinabi ni Eros sa kaniyang isipan. "Sundin mo ang isinisigaw ng puso mo. Lagi mong sundin kung anong makakapagpasaya sa iyo." Sumakit ang ulo ni Nicole kaya nagcast siya ng spell sa salamin para makita kung nasaan at anong ginagawa ni Rafa sa kasalukuyan.
Walang masabi si Nicole kundi ang pangalan ni Rafa ng makitang kasama nito si Dawn na tinatapik sa likod si Rafa.
"Kung hindi man ikaw ang pipiliin ni Nicole, well, if you really love her, you should do anything to make her happy even if hindi na ikaw ang dahilan ng happiness niya." Sabi ni Dawn habang hinihimas ang likod ni Rafa.
"I know, but I just cannot let go of her. I love her and I want her mine." Umiyak si Rafa kaya napatakip na lang ito sa mukha.
Inalis ni Nicole ang spell. Naisip niyang bakit hindi na lang siya magcast ng spell kay Rafa na makapagwawala ng feelings ni Rafa sa kaniya? Pero inalis na lang niya iyon sa isip at lumabas.
Nagulat siya ng nasa labas na si Lian na nilalaro ang susi ng kotse sa mga daliri.
"Let's go?" Sabi ni Lian. Tumango na lang si Nicole kahit hindi niya alam kung saan sila pupunta. Wala siyang ganang magsalita.
Tahimik lang sila at sobrang awkward ng katahimikang lumalamon sa buong kapaligiran. Nakasakay sila ng kotse ng walang umiimik at walang nagsasalita.
"May problema ba?" Tanong ni Lian kay Nicole. Nicole looked at Lian emotionlessy.
"Wala. Pagod lang." Tumingin si Nicole sa wrist watch niya. It's already 3:37 PM.
Nakatingin lang si Nicole sa labas at nakasandal sa bintana. Habang si Lian ay hindi maiwasang isipin kung bakit ang tahimik ni Nicole at bakit hindi man lang nag-abalang magtanong kung saan siya dadalhin nito. Alam niyang hindi 'yun pagod dahil 'yun pa? Parang bata 'yun eh.
Ilang minuto ang nakalipas at nakatulog na si Nicole. Nagred and stop light kaya huminto si Lian at tiningnan si Nicole.
"Tulog ka na pala." Sabi ni Lian na para bang gising si Nicole. Nilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha ni Nicole.
Naisip ni Lian ang river or prophecy.
"Nalalapit na," sabi ni Lian. "Ceased to exist to resuscitate." Dagdag nito. Narinig ni Lian ang mga preno kaya bumalik siya sa realidad. Nagsimula siyang magdrive. Habang minulat ng kaunti ni Nicole ang kaliwang mata.
BINABASA MO ANG
Good Meets Bad
FantasíaThey're not mafias nor gangsters. They're not lost princesses nor princes. They're not teenagers who will fall in love and have a happy ending. They're not fuck buddies who will fall in love with each other. They're peculiars. They're kings and quee...
