2: Where is he?

9.1K 184 21
                                        

Nicole's Point of View

Ito nanaman. It hurts. It hurts so badly I just want to die. Bakit ngayon pa? May something na gustong kumawala sa dibdib ko. Kanina pa masakit 'yung dibdib ko pero tiniis ko lang. Ngayon, hindi ko na siya matiis. What is happening to me?

Ngayon lang nangyari sa akin ito. Ang sakit, sobra.

"Ouch..."

I started to pull my hair. Pumikit ako sa sakit narararamdaman ko sa dibdib ko. Jesus.

"Ms. Dalusong, may I go out?" Biglang sabi ko habang nagdidiscuss si Ms. Dalusong. Gusto ko munang umalis dito.

"Be quick." Tumayo agad ako at tumakbo palabas.

Ako lang ang tao sa hallway ngayon. Sumandal ako sa pader at hinawakan ang pendant ng kwintas ko.

"What is happening to you, Nicole?" Unti-unting gumaan ang pakiramdam ko nung umalis ako sa classroom. Okay na rin ang pakiramdam ko. It's just... Nanghihina ako pag nandoon ako sa classroom na 'yun. Ano bang meron doon?

Pumunta muna ako ng cr. Binuksan ko yung gripo para maghugas ng kamay.

"AHH!!!!!" Hays. Kahit na ang tagal na sa akin ng mga wierd na kung ano man ito, hindi pa rin ako nasasanay. Pagpatak ng tubig sa kamay ko, parang biglang nagbounce yung tubig sa kamay ko papunta sa mukha ko and, boom nigga. I just got wet.

Tumingin muna ako sa paligid ko kung may tao. Good. Wala. Inangat ko 'yung kamay ko at nagform ng swirl.

"Ang sarap sa feeling ng hangin." Yes. You read that right. Nung natapos na akong magpatuyo, bumalik ako sa classroom and there's this feeling again.

"Ang tagal mo." Mahinang sabi ni Lian habang nakatingin sa akin.

"Ipagkakalat mo ba kung sinabi kong natae ako?" Palusot ko.

"Hahaha!" Aba, gago ito ah. Hindi ba ito tumatae?!

"What's so funny?" Masungit kong tanong.

"Nothing." But he kept laughing until magpaalam si Ms. Dalusong.

Tumahimik ang paligid. Wala rin ako sa mood makipag-usap muna. Kangalay kaya sa panga.

-flashback 6:02 am-

Shit. First day na first ko sa new school ko, malelate ako!

Pinuntahan ko agad 'yung bike ko at nagsimulang magpedal. Shitshitshitshitshit. Oras, pwedeng bumagal ka muna?!

Nakarating na ako sa school since walking distance lang naman. Nilagay ko 'yung bike ko sa isang tabi at pumasok na. Hahanapin ko pa ang room namin kaya kailangan kong bilisan.

Someone caught my attention. A guy wearing a grey hoodie. His black hair with red highlights and black eyes are really attractive. Ang pogi pogi niya! Oh my, God! Sana classmate ko ito, hehe.

Tama na nga kalandian, Nicole!

"Ate, alam mo po ba kung saan 'yung classroom ng Narra?" Tanong ko. Malapit na kasi magtime kaya dapat magpakawalang hiya na ako.

"Um... Sorry, hindi eh. Nakikita mo 'yung babaeng 'yun? Alam ko kasi Narra din siya. Sundan mo na lang po." Wow, hindi mo alam tapos old student ka? Ay wait, oo nga naman. Baka new student din siya. Hehehehe. Pero bakit alam niya section nung babae? Aysh, nangingielam nanaman ako. Sorry na fo.

Sinundan ko 'yung babaeng tinuro niya. And yes! Tama siya! 10-Narra si ate mo girl! Kaso late na kami. Awww. :(

"Oh, she's here." The teacher signaled me to come inside.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon