66: Half Vampire, Half Angel

2.5K 41 11
                                    

Third Person's Point of View

Uminom ng tubig si Nicole sa isang bottled water. Break time nila ngayon kaya lahat ng estudyanteng tinuturuan niya sa gymnasium ay nagpapahinga at kumakain. Lumabas si Nicole ng gymnasium para kunin kay Sparkle ang sandwich na ginawa nila. Na kay Sparkle kasi ang baon nilang lahat. Habang hinihintay ni Sparkle, Heart, at Martin ang iba pa ay nagkukuwentuhan sila habang kumakain ng sandwich. Ng makarating ang iba pa kasama si Nicole ay kaniya-kaniyang nagsikuhaan ang lahat ng pagkain.

Hindi mapakali si Nicole. Hindi niya alam kung bakit pero nararamdaman niyang malapit na ang digmaan. Ayaw niyang sabihin sa iba dahil baka husgahan lamang siya ng mga ito at hindi maniwala. Baka hingian pa siya nito ng patunay. Besides, baka dala lang yun ng pag-iisip niya masyado at ng pagod.

"Nababasa ko ang nasa isip mo." Biglang sabi ni Bruise kay Nicole. Umiwas ng tingin si Nicole at tumingin sa malayo. Napabuntong-hininga si Nicole. Nakalimutan niyang lahat pala ng LOG at Challengers ay binigyan ng kakayahang makipagcommunicate through minds. Nakalimutan niyang harangan ang isip para hindi ito mabasa ng iba o marinig. "Sorry, pero ang lakas kasi. Mukhang marami kang iniisip kaya kahit ayaw kong iinvade ang privacy mo, naiinvade ko kasi naririnig. Wanna talk about it?" Sabi ni Bruise. Tumabi si Bruise kay Nicole habang nakaupo at tiningnan siya nito.

"Normal lang ba 'to?" Tanong ni Nicole. Tumingin si Bruise sa lupa at napangisi habang umiiling-iling. Ginulo ng binata ang kaniya buhok atsaka umayos ng upo.

"Hindi, pati ako nararamdaman ko na malapit na ang war. I bet everyone feels it." Sabi ni Bruise. Tumango lamang si Nicole. Kinakabahan siya at natatakot pero ayaw niyang ipakita. "Huwag mong harangan ang isip mo. Let them hear your thoughts, our thoughts." Dagdag ni Bruise ng biglang magbell. Sabay-sabay ang lahat na tumayo at nagpaalam sa isa't isa.

Nicole's Point of View (Cassandraline Whitefox)

Medyo kinakabahan ako sa student na tinuturuan ko ngayon. Lalaki siya at Hero ang pangalan niya. Super strength ang ability niya habang ang power niya ay ice. Tapos bows and arrows pa ang accessory weapon niya. Ang complicated, di'ba?

Binabalanse niya ang sarili niya at bumebwelo habang hawak ang bow at arrow niya. Itinaas niya ang bow at arrow niya sa kung paano niya ito gamitin. Pinapanood ko lang siyang gawin iyon hanggang sa hilahin niya ang bow kasama ang arrow. Inangat ko ang siko niya sa likod. Kanina pa kami nagtatagal dito. Ang target niya ngayon ay ang matamaan ang bell ng school na nasa harap ng gymnasium at medyo malayo.

"Breathe in, breathe out." Sabi ko sa kaniya para makarelax siya. Namamawis siya at nakikita ko na 'yung mga kamay niyang lumalaki at nagiging blue marahil siguro sa ability at power niya. Sinunod niya ang sinabi ko at paulit-ulit na ginawa. "Bitawan mo kapag pumito ako." Bulong ko.

Lahat ng mga estudyante ay napatigil sa kanilang pag-eensayo para panoorin si Hero. Huminga ako ng malalim at pumito ng bitawan niya ito. Para bang naging slow motion ang lahat ng bitawan niya ito. Natutuwa akong naeexcite nung papunta na sa school bell ang arrow niya ng biglang lumusot ito at nilagpasan ang school bell. Bumilis ang tibok ng puso ko ng may makitang malaking nilalang na natusok ng arrow ni Hero. Nanlaki ang mata ko.

"Demonyo!" Sigaw ng isa sa mga estudyante kong si Darlene. Napatingin ang lahat sa demon at nagsimulang magpanic.

"Everyone, evacuation area, now!" Sigaw ko at nag-unahan silang makalabas ng gymnasium samantalang ako ay nagteleport papunta sa secretary's office. Hindi ko na nabati ang secretary at nasabi ang dahilan kung bakit ako pumunta doon. Tinapat ko agad ang microphone sa bibig ko.

"Everyone, this is Nicole Alvedera, rank 1 Legion of Gods. Students, teachers, non-teaching staffs, and heads, please head to the evacuation area quickly, now. This is not a drill. I repeat, students, teachers, non-teaching staffs, and heads, please head to the evacuation area quickly, now. This is not a drill. Thank you."

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon