Special Chapter

2.4K 54 22
                                    

"Trust no one," someone said to me. "kahit 'yung mga taong kasama mo na simula pa lang ay puwede kang traydurin at saktan."

Kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasasabi nitong matandang 'to? Sabi na eh, dapat hiniram ko na lang kotse ni Lian para hindi ako nasa jeep ngayon katabi ang matandang 'to. Nasa coding kasi 'yung akin.

Aaminin ko, mas nangingibabaw 'yung takot sa akin kaysa irita dahil pakiramdam ko ay kilala niya ako. Well, baka nga. Sikat ang clothing brand ko dati, pero paano niya nasasabi ang mga bagay na 'to?

Napansin kong malapit na ang jeep sa gubat kung nasaan ang Historía University. Pumara ako at agad na bumaba. Miss na miss ko na ang mga anak ko. Mabuti na lang at magpapasko na kaya puwede silang umuwi.

Naglakad lang ako diretso sa gubat. Ganito rin kasi ang ginawa namin ni Lian nung ihahatid na namin sa Historía University si Leo at Lea ng may biglang humarang sa aking mga sundalo. Ganito kahigpit ang security sa Historía University. Malalaki ang katawan ng sundalo at kamukha nila ang mga sundalo ni Qin Shi Huang, ang pinakaunang emperor ng China.

I changed my eye color atsaka sila tumagilid para padaanin ako. Ganoon lang rin ang ginawa namin dati. Naglakad ako papasok sa main gate ng Historía University at lumapit sa malaking fountain of history ng may mga maliliit na batang sabay-sabay lumabas ng makalumang building at nakita ko si Leo at Lea.

"Trust no one," someone said to me. "kahit 'yung mga taong kasama mo na simula pa lang ay puwede kang traydurin at saktan."

Naalala ko 'yung sinabi ng matanda kanina. Huwag siyang mag-alala. Sisiguraduhin ko ang kaligtasan ng mga anak ko. Proprotektahan at aalagaan ko sila. Sila man o hindi ang rason kung bakit iyon nasabi nung matanda kanina.

"Merry Christmas, Mommy!" Tumatakbong bati sa akin ni Leo at Lea sabay abot sa akin ng mga cards.

"Merry Christmas, mga anak. I missed you."

***
[END]
Sino sa tingin niyo 'yung traydor? Let me know your thoughts. :)

A.) Lian
B.) Rafa
C.) Dawn
D.) Sir Warren
E.) Sir Dave
F.) Nica

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon