60: Kay Reena Will

2.2K 32 0
                                    

Kurtney's Point of View

"How dare you?" Sambit ko kay Reena. Nakatitig ako sa mga mata niyang parang maraming gustong sabihin at ipahiwatig. Napatingin ako sa kamay niyang hinawakan ang pendant ng kwintas na bigay ko sa kaniya. Merong itong half ng heart shape. Meron din akong ganoon, simbolo ng aming pagkakaibigan.

Pinanood ko ang kaniyang kamay na hilahin ang kwintas na ibinigay ko sa kaniya. Halos masira ito sa lakas ng pagkakahila niya. Mabilis akong napatakip ng aking bibig. Sunod niyang ginawa ay tinapon ito sa sahig.

My trembling hands... My crying eyes... My broken heart... Anong ginawa ko sa kaniya? Anong kasalanan ko sa kaniya? Bakit siya nagkakaganito? May nagawa ba akong mali? Anong rason? Anong rason niya para gawin ito? Oo, wala pa siyang sinasabing pinuputol na niya ang pagiging magkaibigan namin pero pinamukha niya. Ang sakit. Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko para putulin niya ang pagkakaibigan namin. Isa na siya sa mga konting taong nagmamahal sa akin pero iiwan lang rin niya ako? Bakit? Bakit ganoon?

"Let's end our friendship." Sambit niya. Lalong nadurog ang puso at kaluluwa ko ng sabihin niya ang mga katagang iyon. Lalo lang akong nasaktan ng sabihin niya ang ipinapamukha niya kanina. Lalo akong naiyak. Lumapit ako at lumuhod sa kaniya habang hawak ang kamay niya.

"Bakit, Reena? Bakit? Anong pagkukulang ko? May nagawa ba akong mali? Please, just tell me at itatama ko lahat!" I begged. Inagaw niya mula sa akin ang kaniyang kamay at inirapan ako.

"Don't ever touch me again. Argh, germs." Sabi niya at nagkibit-balikat. She changed. Really, she changed a lot. And it fucking hurts that she changed for some unknown reason. My bestfriend isn't who she is now. Bakit ba siya biglang nagbago? I'm clueless. Being clueless hurts tho.

My broken heart is slowly falling down to the ground. I can't even imagine before that she'd change. Tears are racing down from my eyes to my chin. I feel so weak. Very weak.

Some might say being weak sometimes is okay. But not for me, not for us, not for peculiars. We are made to protect and take care of humans. We cannot be weak.

"Gusto mong malaman kung bakit ako nagkakaganito?" She sarcastically said to me. I looked straight to her eyes habang nakatingin rin siya sa akin. Pinahiwatig ko ang sagot ko.

"You're so dumb. You can't not know what's the problem!" Sabi niya.

Oo, sige. Bobo ako. Tanga ako. I'm so stupid para umasa na magtatagal ang friendship natin. Isa akong hangal. Lapastangan. Walang kaalam-alam. Oo. Itawag mo lang sa akin ang kung anong gusto mo kung iyon ang ikakasaya mo.

Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi ko alam ang problema. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam ang kasalanan ko. Hindi ko alam kung bakit tayo nandito ngayon. Hindi ko alam. Patuloy lang akong bumabato ng mga tanong sa langit kahit na hindi pa rin ako nahuhulugan ng sagot.

"Bakit hindi ka magsalita? Pipi ka ba?"

Hindi ako pipi, pero 'yung puso ko? Oo, pipi. Hindi niya masabi ang tunay niyang nararamdaman at kung ano talaga ang kaniyang gusto. Meron siyang pinipilit na hanapin. Meron siyang pinipilit na asamin pero hindi niya alam kung ano iyon.

Siguro kapatawaran mo sa kung ano mang nagawa ko sa'yo. Siguro 'yung dating tayo. Siguro.

"Ano nga ba?" Tanong ko. Kumunot ang noo niya. "Ano nga ba ang nagawa ko sa'yo para gawin mo 'to?" Dagdag ko. Sinuot niya ang isang eksperesyon sa mukha niya na gulat pero alam kong peke lang 'yun.

"Alam mo, sa totoo lang, madami." Bumilis ang tibok ng puso ko nung sabihin niya iyon. "Gusto mo bang isa-isahin ko?" Hindi ako umimik.

"Una, parents ko inagaw mo. Ako 'yung anak pero mas mahal ka pa nila sa akin! How unfair! Lagi akong kinukumpara sa'yo when all I did was do my very best! Sipsip ka! You never defended me when they were pushing me to my limits, Wizteria." Lalong nadurog ang puso ko nung sabihin niya iyon. Naglakad siya paikot sa akin.

Good Meets BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon