ctto of the video ^^^^
Third Person's Point of View
[Play the song: Torete at the multimedia]
"I, 2, 3, go." Bulong ni Nicole.
Kahit na kabadong-kabado ay bumuntong hininga siya at kinawayan ang audience kaya nagsitilian sila atsaka niya ibinuka ang bibig.
Hinanap niya sa audience si Rafa pero nagtataka siya kung bakit hindi niya ito makita. Ang totoo niyan ay kanina niya pa ito hinahanap ng pasimple pero wala siya. Ibinuka na lamang niya ang bibig at kumanta.
"🎤Sandali na lang, maaari bang pagbigyan? Aalis na nga, maaari bang hawakan ang iyong mga kamay?🎤"
Biglang nagflashback sa utak ni Nicole ang mga masasayang ala-ala nila ni Lian bilang magkaibigan. Mula unang pagkakakilala. Mula unang libre ng carbonara. Lahat ng ala-alang iyon ay hindi pa kinakalimutan ni Nicole. Alam niya lahat ng detalye.
"🎤'Wag kang mag-alala, hindi ko ipipilit sa'yo. Kahit na lilipad, ang isip ko'y torete sa'yo🎤"
Hindi na napigilang sumabay ang mga audience sa chorus at maghiyawan. Lahat ng mata at tainga nila ay nakafocus kay Lian at Nicole.
Biglang nakaramdam ng kirot sa puso si Lian. Hindi niya alam kung ito ba ay dahil na sobrang magkadikit sila ni Nicole, o dahil alam niyang hindi sa kaniya inaalay ni Nicole ang kantang iyon.
Inilagay ni Nicole ang kamay niya sa balikat ni Lian at unti-unting lumipat sa kabila para akbayan siya habang kumakanta. Nagulat si Lian pero hindi niya ipinahalata. Nakangiti sila sa mga audience at masayang nagpeperform.
Nagtama ang tingin ni Nicole at Lian, dahilan para tumili ang mga supporters nila. Pati ang mga judges ata ay nagtilian, isama mo na ang mga kandidata sa likod at mga stylist tsaka ang event organizer.
"🎤Akala ko nung una, may bukas ang ganito. Mabuti pang umiwas, pero salamat na rin at nagtagpo. Torete, torete, torete ako. Torete, torete, torete sa'yo. Huwag kang mag-alala, hindi ko ipipilit sa'yo. Kahit na lilipad, ang isip ko'y torete sa'yo🎤"
Pati ang mga non-supporters nila ay nakisabay na rin sa kanta. Hindi inexpect ni Lian at Nicole ang ganitong pagsuporta ng audience sa kanila pero thankful sila.
~~~
"OMG! OMG! OMG!" Sigaw ni Nicole sa CR habang sinusuot ang gown niya.
"Ang ganda!" Sabi niya. Hindi siya pinansin ni Dawn at inayos ang damit nito.
Kulay dark blue ito at may iba't ibang uri ng beads at glitter. Isang serpentina gown ang suot niya ngayon na may paheart shape sa harap. Kita ng konti ang cleavage niya. Malalim din ang butas sa likod ng gown niya. Parang dulo ng heart. Tapos may mga patusok na kulay white na design. Kulay white naman ang baba nito na may touch of blue. May mga maliliit ding diamonds sa damit.
Binago din ang hairstyle ni Nicole. Ginawa itong simpleng bun. Isang silver na may blue na gems na dangling ang hikaw ni Nicole.
Lumabas na sila ng CR at nagsimulang pagtinginan si Nicole ng ibang kandidata at stylist. Nagpahinga ng konti si Nicole ng tawagin na silang lahat ng host. Isa-isa silang lumabas at pumwesto sa kaniya-kaniyang pwest na sunod-sunod kasama ang escort nila.
Nakita ni Nicole si Lian at walang nagawa ito kundi matulala. Kulay dark blue ang tux nito. Nakasalamin pa ito. Nang makatabi ni Lian si Nicole at hinawakan nito ang braso ni Lian at nagpose katulad ng iba.
Matapos ang ilang minuto ay tinawag na silang dalawa para pumwesto sa harapan. Nagsipalakpakan at hiyawan ang supporters nila.
"Good evening, candidate number 11! Are you ready?" Tanong ng host.
BINABASA MO ANG
Good Meets Bad
FantasíaThey're not mafias nor gangsters. They're not lost princesses nor princes. They're not teenagers who will fall in love and have a happy ending. They're not fuck buddies who will fall in love with each other. They're peculiars. They're kings and quee...
